39: Kath's Choice

5K 108 10
                                    

KATH

“Oh? Antahimik mo ata ngayon?” takang tanong ko kay Melody na tahimik kumakain sa harap ko.

Hindi na ito nag abala pang magsalita at huminga nalang ng malalim na kina alala ko.

“May iniisip ka ba?” alalang tanong ko dito.

Hindi kasi ganyan ang Melody na kilala ko. Ang daldal kaya nan yung tipong di siya nauubusan ng makukwento. Pero ngayon? Ibang iba siya sa Melody na halos araw araw kong kasama. Antahimik niya at tila bising busy siya sa kakaisip ng kung ano mang nasa isip niya.

“Hello? May kausap ba ko?" sabi ko nang di ito sumagot at nakatingin lang sa kawalan.

"Huy! Parang kang tanga Melody..." iritang sabi ko dahil unti unti na akong napipikon sa kanya. "...nagtatanong yung tao tapos para kang tangang statue dyan."

"Ano tamang kinig lang tas walang response? Baka nga di ka pa nakikinig sa mga pinagsasabi ko eh. Di mo man lang maappreciate yung laway ko na mukhang nasasayang lang dahil wala akong kausap. I share things to you tapos di ka naman pala nakikinig. Ano ba? Kaibigan mo ba ko?" madrama at mahabang litanya ko dito.

Dahan dahan siyang tumingin sakin at walang ganang nagtaas ng kilay.

"Stop it! Ang weird mo today..." I said.

Tiningnan ko siya na parang naninibago ako sa kanya. Luh? Anyare sa bff ko?

"Melody?" mahinahon kong sabi at saka hinawakan yung dalawang kamay niya. "Anong meron?"

Seryoso akong tumingin sa kanya. Gusto ko kasing malaman niya na walang halong biro tong pag aalalang pinapakita ko. Ay nako, pag ito talaga nagbibiro, patawarin ako ni Lord.

Nanatili itong nakatingin sakin with her blank face na syempre kinataka. Sinasapian na ata tong beshie ko eh...

Dahil dun ay unti unti na akong natatakot sa kanya. To the point na kesa icomfort siya ay mas pipiliin ko nalang na tumakbo.

"What if Nash comeback?" biglaang sabi nito na ikinanganga ko.

Dahil lang dun nagkakaganyan sya? Myghad...

"About lang pala kay Nash yung iniisip m--- hala?" di ko na natapos yung sasabihin ko ng may tumulong luha sa pisngi ni Melo.

"Bat ka umiiyak? Eh diba dapat happy ka nga kase babalik na yung lalaking minahal mo nung una palang?" I said to her.

Medyo naguguluhan ako sa kanya kase kung ako babalikan ng taong pinakamamahal ko? I will be happy knowing na makakasama ko ulit siya. Hindi ako malulungkot tulad kay Melo na umiiyak ngayon.

Ang gulo mo, babalikan ka na aarte ka pa ba?

How can she be sad kung all those days, wala siyang bukambibig kundi si Nash. And sabi niya na di naman daw niya ginusto na hiwalayan si Nash. So pano niya nagagawang maging malungkot kung at the first place wala sa plano nilang dalawa ang maghiwalay. Babalikan ka na, sad ka pa?

"So babalikan ko siya?" napanganga ako sa tanong niya.

"Oo--- Hindi--- Ewan ko sayo Melody..." naguguluhan kong sagot dito.

"Bat ba ako ang tinatanong mo? Its your choice Melody. Kung tatanggapin mo siya or ipagpapatuloy mo nalang yang pagmomove on mo..." sabi ko dito at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "...kahit ano namang desisyon mo I will be alright kase diba I promised to support you?"

She smiles bitterly.

Hindi ko masabe kung anong umiikot sa utak ng babaeng to pero base on my observation? Nagdadalawang isip siya.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Where stories live. Discover now