52:Found

4.9K 149 18
                                    

MELODY

"May babae daw na nabundol kanina!"
"Weh? Kawawa naman yung babae!"
"Oo nga eh, pero ang bali balita nagpabunggo daw yung babae kase depress, wala na daw sa tamang pag iisip!"

Napakunot ako habang nakikinig dito sa tatlong manang na nagtsitsismisan sa harap ko.

"Niloko daw nung kasintahan niya yung babae kaya depress..." saad nung isa sa tatlong babae.

I left my mouth hung open as the lady finsh her words.

Why?  Pano nila nagagawa yun?

Niloko at na depress din ako pero di ako nagpakamatay or never pumasok sa isip ko yang suicide na yan. Kase kung gagawin ko yun? Parang pinatunayan ko lang sa mundo na mahina ako. Na talunan ako. Alam mo hindi lang naman kase ikaw yung mawawala sa mundo pag ginawa mo yung bagay na yun, mawawala din yung anak ng magulang mo na inaasahan nilang magpapaangat sa kanila, mawawala din yung taong kaibigan ng kaibigan mo na inaasahan nilang magcocomfort sa kanila, and last mawawala din yung tao na inaasahan ng mundo na makakatulong sa bansa naten. Pag hinayaan mo kasi yung problema na makaapekto sayo? Mawawalan ka. Mawawalan ka ng happiness, chances, confidence, opportunities, love and supports. Andami diba?  Kaya talong talo ka pag nag-suicide ka.

"Ikaw ba, hija, ay ayos lamang?" bigla akong nabalik sa realidad nang mapansin na lumapit sakin ang isa sa mga babae na nagtsitsismisan lamang kanina. "Ako'y nag aalala dahil kanina ka pa nakatulala diyan."

"Ay, ayos lang po ako..." sabi ko dito at nginitian yung matanda.

"Aba'y mukhang may problema ka apo..." saad nito na ikinailing ko naman.

"Wala po..." pagsisinungaling ko dito.

"Ay siya sige, kung ayaw mong magsabi ng totoo ay hahayaan lamang kita pero mag ingat ka ha..." tumango ako sa sinabi ni manang. "...narinig mo naman siguro yung nangyari sa babae na nabangga diba?"

"Yes po, saka hindi naman po ako ganun kahina lola..." biglang umirap si manang na kinagulat ko. Taray!

"Kahit sinong tao humihina pag di na nila kinakaya ang isang bagay..." pagtatama ni manang sakin na kina wala ng ngiti ko.

'Kahit sino humihina pag di nila kinakaya ang isang bagay?' shit! That hit me so hard.

"Ay ganun po b---?" naputol yung sasabihin ko nang may tumawag sa pangalan ko. Napalingon kami ni manang at nagulat ako ng makita yung tumawag sa pangalan ko.

"M-Mike?" gulat kong sabi at nakita siyang tumatakbo palapit sakin.

"I've f-found you!" sabi nito habang naghahabol pa ng hininga.

"A-anong ginagawa mo dito?" saad ko habang tinititigan lang siya.

"Hinahanap ka..." he then flashed his beautiful smile.

"Eh pano mo ko nahanap..."

"Destiny help me..."

"Huh?" umiling ito na kinakunot ko.

"Ay sus..." sabat ni manang na kinatingin ko.

"You don't need to find m---?"

"Boyfriend mo?" natuon naman kay manang yung tingin ko nang putulin niya yung sasabihin ko. Agad akong umiling dito at tiningnan si manang ng masama. Nubayan manang! Nakakahiya!

"Hindi mo boyfriend?" tumango ako kay manang at bigla namang tumingin ito kay Mike. "Nililigawan mo palang no?"

Bigla namang nanlaki yung mata ko sa sinabi ng matandang ito.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Where stories live. Discover now