48: Call

4.4K 89 14
                                    

MELODY

"I'm back!" masayang saad ko nang makapasok ako sa pinto ng bahay namin.

Ang sarap lang sa pakiramdam na makabalik no saka namiss ko kaya sila. Sobra na miss. Sa sobrang miss napasigaw nalang ako.

Ay potek? Anyare?

Bigla akong natigilan nang mapansin na kabaligtaran ng excitement ko ang makikitang reaction nila ate at kuya.

"Mukhang di niyo ako namiss ah..." I mumbled as I notice na parang wala lang sa kanila ang pagbabalik ko.

Hindi sila nagsalita na pinagtaka ko. Hindi naman kasi sila ganito katahimik dati. Si kuya, di naman ganyan yan. Kahit sabihin na wala siya sa mood, maingay pa din yan. Di kaya matahimik yang bibig niya. Si ate Harm naman kahit sabihing busy siya, she still make a way para batiin ako. Anyare na ngayon?

Agad akong lumapit kay kuya Clef na nakaupo sa sofa. Nagbabaka sakaling malaman kung anong nangyari sa mga araw na wala ako.

"Kuya? What happened? Saka nasan si Mom and Dad?" sabi ko dito nang makatabi sa kanya. Kesa sumagot ay tiningnan lang ako ni kuya at saka umiling.

"Wala? Walang nangyari?" tanong ko dito. "...eh bat ang tahimik niyo?"

Patuloy ko siyang kinulit pero pinagpatuloy niya lang yung busy busyhan niya sa cellphone niya na kinainis ko. Dahil dun ay mas lalo akong nainis. Mamamatay na kasi ako sa curiousity eh. And parte din naman ako ng pamilyang ito kaya dapat may alam din ako.

"Ano ba kaseng nangyari?" medyo lumakas na yung boses ko na kinatingin naman ulit ni kuya sakin.

I glared at him that made him sigh. "Melody, wag ngayon." sabay tayo niya at alis papuntang kusina.

Ginawa ko dun?

Sinundan ko ng tingin ang papalayo kong kuya. At sa pagsunod kay kuya ay agad dumapo ang tingin ko kay ate Harm na nakasandal sa isa sa mga cabinet namin at mukhang busy sa binabasa niyang form o kung ano man.

"Ate, what happened?" pagbabaka sakali kong tanong kay ate.

"Melody, magpahinga ka muna..." walang kasigla siglang panimula nito. "...mukhang pagod ka sa byahe niyo."

Yes, I am tired pero hindi ako basta basta mananahimik hangga't hindi ko pa alam kung anong nangyayari sa pamamahay na to. Bakit ba kase hindi nalang nila sabihin sakin lahat?

Mukhang wala rin naman akong makukuha sa kanila kahit pa na mangulit ako kaya mas minabuti ko nalang na umupo at tanggapin ang katotohanan na walang mabait dito na magsasabi ng mga nangyare.

Hindi pa man ako nakakaupo ay may narinig akong boses na nanggagaling sa taas. Napakunot ako hindi dahil sa hindi ko kilala ang may ari ng boses na yun. It was actually mom and dad's voice. Kaya lang ako napakunot kasi nagsisigawan sila. Yung parang nag aaway ganun.

Tatakbo na sana ako para puntahan sila sa taas nang magsalita si kuya Clef.

"Don't go upstairs..." sabi nito na ikinatingin ko sa kanya. "...hayaan mo sila."

Napanganga ako dahil dun. I looked at him unbelievably. "How could you just say that kuya? How could you let our parents fight?" 

"Wag ka ng maraming tanong at sundin mo nalang ang kuya mo." napunta naman kay ate Harm yung tingin ko.

"Seryoso? Anong nangyayari sa inyo?"  di kapani paniwalang sabi ko habang salitan silang tinitingnan.

Hindi ko napansin na may tumulo na palang luha sa pisngi ko. Ewan, masyado lang kasi akong nasi stress sa nangyayari plus I'm tired kaya.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Kde žijí příběhy. Začni objevovat