33: Ideya

5.2K 96 12
                                    

MELODY

"Spill it..." seryosong sabi ko kay Kath nang maiwan kaming dalawa sa parking lot. Wala yung dalwa dahil pinatawag lahat ng lalaki sa office. May importanteng announcement daw para sa kanila.

"What do you mean?" takang tanong ni Kath.

"Sus..."

"Huh? Ano ba kase yun?"

"Kayo na no?" pang aasar ko dito at tamang ngiti kahit may namumuong lungkot sa nararamdaman ko.

"Kami? Sinong kami?" hindi ko alam kong nagmamaang maangan lang ito o hindi niya talaga ako maintindihan pero mukha ngang nalilito siya sa sinabi ko.

"What I mean is..." tinatry kong hinaan yung boses ko kase malay niyo sikreto lang pala nila yun. "...kayo na na ni Mike no?"

Nanlaki yung mata nito at gulat na tumingin sakin. "Anong pinagsasabi mo? Anong kami? Walang kami no...."

"Ows?" hindi ko paniniwala dito.

"Maniwala ka Melo, walang kame..." seryosong sabi nito kaya napatigil ako sa pang aasar.

Napakunot noo ako sa sinabi niya. "Eh kung hindi kayo bat ka nagsinungaling sakin na mommy mo yung sasamahan mo pero si Mike pala?"

"Hala teh? Hindi ako nagsinungaling nun..." nagtaas ito ng kilay at saka gulat na tumingin sakin.

"Weh?"

"Oo nga..." pagpupumilit nito sakin na totoo yung sinasabi niya pero still hindi pa din ako naniniwala kase I have seen it by my eyes, hindi si tita ang kasama niya. It's Mike Castallio.

"Okay, I'll explain..." sabi nito at huminga ng malalim bago magsimula.

"That day after I visit mom, pumunta na ako sa grocery store to buy things which I need and to buy her medicines. Hindi ko siya kasama dahil di pa daw siya pwedeng umalis ng hospital, so I have no choice kundi ang bumili mag isa..."

"Nasa medicine part na ako nang makasalubong ko si Mike na katulad ko ay namimili ren. We talked and dun ko na nasabi yung about sa sakit ni mom. Tapos ang sabi niya may alam daw siyang gamot na effective na effective para gumaling na si mom. So I don't hesitate at humingi na ng tulong sa kanya to get those medicines." kwento nito na nagpanganga sakin. 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko sa kanya. So hindi pala sila ang may gawa nito, maissue lang pala ako.

"Seryoso..."

"Yes! Kaya ano yung pinagsasabi mo dyan?..." sabi nito at isang batok ang pinakawalan niya. "...baka kayo."

"Anong kame?" takang tanong kay Kath.

"Kayo ni Nash? Nagkabalikan na ba kayo? May cb na ba? Kelan pa? Sino nag initiate na makipagbalikan?" sunod sunod na tanong nito na kinastress ko. "...wag kang magsisinungaling nakita kong magka holding hands kayo."

"Luh? Pag nakaholding hands may meaning na?" tanong ko dito na kinatango niya.

"Like you, namili rin ako mag isa pero sunod sunod na kamalasan kaya wala akong choice kundi humingi ng tulong kay Nash. Si Nash lang naman ang kilala ko na nasulyapan ng aking mga mata..." kwento ko dito na ikinatango niya.

"Eh ano yung holding hands?"

"Ah yun ba?"

"Oo..."

"Naaksidente si Nash kaya wala akong nagawa kundi ibalik yung tulong niya sa kanya. And that is to assist him..." pagpapaliwanag ko dito na kina 'wow' nito.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon