42: EX

5.1K 101 13
                                    

MELODY

"Mahal niya pa kaya ako?" tanong ko sa sarili ko habang tinititigan tong si Nash na nauunang maglakad kesa sakin.

Alam kong iniisip niyo na nag aassume na naman ako pero sino bang hindi diba. He takes care of me, protects me, and do things na hindi naman pang ordinaryo sa isang ex. Alam kong he saved me because I need help pero ano yung baby? Ano yung yakap? Ano ba talaga Nash?

"Pag ako nabwiset sa mga motibo mo, kukumprontahin ulit kita, Hmp!" di bale ng masaktan ulit atleast malinaw ang lahat. Mahal man o hindi. Sumaya man o masaktan.

Pero pano na yun? Hindi ko na sigurado yung nararamdaman ko. Hindi ko na nga alam if siya pa rin yung tinitibok ng puso ko o hindi na. Oo, aaminin ko may nararamdaman pa rin ako sa kanya pero di na katulad ng dati.

Hindi na katulad ng dati kase may tumatalo na sa kanya. Nakikipag paligsahan kung sino ba dapat ang matira sa puso ko. Kung dapat bang mag stick ako sa dati or kung dapat magfocus na ako sa iba?

Alam niyo halos mabaliw baliw na rin kaya ako kakaisip ng gagawin ko if one day umamin si Nash na gusto niya pa ko at si Mike na may nararamdaman siya sakin. Hindi ko alam kung san ko nakuha yung lakas ng loob na imaginin yun pero what if mangyari yun? Siguro kung ano nalang masasagot ko sa mga yun.

"Melody, I love you..." sabay nilang sabi sa imagination ko.

"Ha?" napahinto ako dahil sa gulat.

"Mahal ka namin Melody..." Pag ulit nila sa sinabi nila.

"Hatdog..." ganto nalang siguro masasabi ko pag dumating yung araw na yun.

Shet! Nababaliw na koooo!

Alam kong wala pang confirmation tong lahat pero what if nga diba? Hindi ako nag aassume pero parang ganun na nga.

Ano ba kase tong mga lalaking to nakaka misinterpret ng kilos. Ganyan na ba ka-gentleman tong mga to na kahit di espesyal na babae inaalagaan nila at tinuturing na prinsesa?

"Pakidalian sa pag amin Nash baka ikaw pa mapili k---" hindi ko na natuloy pa yung pag iisip ko nang matalisod ako habang sumusunod kay Nash.

"Aray..." hinaing ko habang hawak hawak yung kaliwang binti ko na nagka sprain ata.

Oh ayan, assume pa more.

"Are you okay?" alalang tanong ni Nash nang makalapit siya sakin.

"Masakit..." sagot ko dito habang naluluha na dahil sa kumikirot na yung sakit.

"Ano ba kaseng iniisip mo at di ka makapagfocus sa dinadaanan mo..." sabi ni Nash at saka kumuha ng panyo at ibinigay sakin.

Bumusangot ako at saka kinuha yung panyo niya.

"Aksidente kaya matapilok no!" sagot ko dito habang naluluha pa din.

Bumuntong hininga si Nash at saka tumayo. Napatingin ako sa kanya nang magoffer siya ng kamay.

"Tayo..." he commanded.

Punyeta, yung paa ko masakit pa!

Dahil sa takot na isipin niyang pabebe ako ay pinilit kong tumayo. Nakatayo ako sa tulong ni Nash pero paniguradong mas mahirap pag maglalakad na.

Tumalikod si Nash sakin at saka yumuko ng unti.

"Ginagawa mo?" takang tanong ko dito.

"Obviously bubuhatin ka..." sa sinabi niya ay di ko na napigilang ngumiti.

Ang sweet.

"Don't think na ginagawa ko to kase tsumatsansing ako sayo or gusto kita..." sabi ko nga diba.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon