Chapter 12 "Brothers"

Start from the beginning
                                    

"Dahil kung hindi at may masama siyang ginawa saiyo 'di na iyon nasikatan ng araw!" Asik ni kuya Zaimon.

"Di ka nalang nagpasundo sa amin?" sabi ni Kuya Zeke at saka sinawsaw ang pamunas sa timba.

"Paano magpapasundo halos gumapang kagabi papasok ng kwarto niya?" tumawa sivKuya Zaimon.

"What?" Naguguluhan kong tanong. "Anong ginawa ko kagabi?" tinaas ko ang dalawa kong kilay.

"Hahahaha" nagtawanan silang dal'wa na halos mawalan na ng hininga.

"Really? Hahaha you don't know?" Nakangising sabi ni Kuya Zeke.

"Kuya!!" Inis kong sabi. "Ano nga?"

"Hahaha" sabay silang tumawa.

Tiningnan ko sila ng masama.

"Bakit 'di mo siya tanungin?" Turo ni Kuya Zeke sa bahay nila Kean.

Nilingon ko naman, nakita ko si Kean na ngayon ay nasa veranda na ng kanilang bahay. Nakatingin na sa amin.

"Bakit siya?" Pagbabalik ko ng tingin sa mga kapatid ko.

"Hahaha sabi mo sa kaniya kagabi ay siya ang future boyfriend mo" natatawang ani ni Kuya Zeke at ang tono ay sarkastiko at mapang-asar. "Ganito ginawa mo" saka siya lumapit kay Kuya Zaimon, niyakap ang baiwang nito.  "Dad, mom, at mga kuya ko, meet my future boyfriend, Kean--honey" ani niya sa malambing na boses na para bang bading na nakapulupot kay kuya Zaimon. Nanlaki ang mga mata ko at sabay silang tumawa.

"What?!" Natutop ko ang bibig ko. "Niloloko niyo ba ko?" Paninigurado ko. Itinaas ko pa ang kilay ko.

"Hindi, malamang!" Sabay nilang sambit.

Sumama ang tingin ko nang akmang lalapit ang mukha ni kuya Zeke kay Kuya Zaimon hanggang sa umarteng sumuka ito. Ginagaya nila kung ano man ang ginawa ko kagabi.

"Hahaha" malutong nilang pagtawa.

'Di ko naman malingon si Kean na alam kong nasa veranda pa din at nakatingin sa amin.

No way! Ginawa ko ba talaga 'yon? Nasukahan ko pa siya?

Sa inis ko para mabago lang ang atmosphere. Kinuha ko ang hose at inikot ang gripo, itinutok ko iyon sa kanila, gulat silang tumingin sa akin pero tumatawa pa din habang iilag ilag sa tubig na nagmumula sa hose.

'Di ko napansin ang paglapit ni kuya Zaimon at ibinuhos sa akin ang isang timbang tubig na puro sabon!

Ugh!

Galit ko siyang sinulyapan at itnutok sa kanya ang hose.

"Ang lamig! Hahaha" sabi ni Kuya Zaimon at pinag-cross ang mga braso at nanginginig pa.

"Zaimon! Hulihin mo si Princess" utos ni Kuya Zeke

Tumakbo ako para makaiwas sa kanila, tumatawa na ko ngayon. Hawak ko pa rin ang hose at itinututok sa kanila. Tawa ako nang tawa nang makita kong halos malunod na sila sa tubig.

Natapos ang umagang iyon ng masaya kahit na 'di ko pa rin mawaglit sa isip ko ang kahihiyang ginawa ko kay Kean at 'di ko alam pa'no sya haharapin.

Javen Flair's POV

Maganda ang gising ko kahit medyo nahihilo ako. Bumaba ako ng hagdan nakita ko si Manang Cora naghahanda na ng pagkain.

"Good morning, Manang" ngumiti ako.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now