YGNACIA ESCANDIDO (HIDDEN YGNACIA)

630 20 2
                                    

Ang YGNACIA ESCONDIDO ay isang tagong bayan sa Barlig, Mountain Province na nilikha ni Amado para kay Symla upang protektahan ang angkan nito mula sa sarili niyang angkan. Akma ang malamig naklima para sa angkan ng mga bampira.

Tinawag ni Amado na YGNACIA ESCONDIDO—isang wikang espanyol na nangangahulugang tago ang ESCONDIDO at apoy ang ygnacia—ang bayan dahil naihahalintulad noon ang mainit na pagibig niya sa naturang bampira ngunit kailangan niyang itago ang angkan nito dahil sa napipintong pagkaubos ng lahi nito. Ang naturang bayan ay nasa tuktok na bahagi ng Barlig at kung titingnan sa malayo ay mistulang isang apoy ang bayan sa normal na paningin ng iba. Nagkukulay apoy iyon dahil sa pagtama ng araw sa proteksyon nito.

Sa paligid ng YGNACIA ESCONDIDO ay gumawa ng apat na tore si Amado: ang Amianan sa parteng hilaga, ang Abagatan sa timog, Laod sa kanluran at Daya sa silangan upang magsilbing harang at proteksyon mula sa mga kalahi niyang lobo upang tuluyang puksain ang angkan ni Symla. Habang nasa loob ang mga bampira ay walang ibang maaaring makakita, makaamoy at makarinig sa mga ito kahit pa na anong uri ng nilalang ito. Dahil sa tulong ng isang babaylan ng Bundok Banahaw ay nakakuha ng sapat na lakas si Amado upang makagawa ng ganoong uri ng lugar para sa kanyang babaeng mahal.



****

IMPORTANT REMINDER!!!

I WILL POST INAH'S STORY ONCE NA FINISH NA ANG BOOK 1 (SYMLA'S STORY). PLEASE READ HER FIRST.

THIS POST SERVES ONLY AS REFERAL FOR YOUR NEXT JOURNEY IN YGNACIA. 🤗

YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA) BOOK 2: INAH, ANG MANDIRIGMA NG ABAGATANحيث تعيش القصص. اكتشف الآن