Chapter 8 "Savior"

Start from the beginning
                                    

"Later, manang."

Lumabas na ako. Kukunin ko sana ang kotse ko pero naisip kong maglakad lang.

Gabi na ang dilim pero wala akong pakialam.

I need fresh air.

Sa paglalakad ko may nakita akong grupo ng mga lalaki. Mga limang lalaki.

May binubugbog!

"Hoy!" Sigaw ko sa kanila.

Akala ko matatakot sila pero hindi ngumisi pa sila at humarap sila sa akin.

"Pakialamero ka, ah!" Sigaw ng isa.

"Edi sampulan din natin!" Sigaw ng isa pa at ngumisi pero imbes na matakot ako ay unti-unting pumorma ang ngisi sa labi ko.

Naalerto ako nang sumugod na sila ng sabay-sabay.

"Wait mga pare isa-isa lang!" nakangisi at kalmado kong sabi.

Sumugod na ang isang lalaking payat susuntukin ako, inilagan ko iyon at sinipa siya sa likod kaya natumba. Pagkatapos niya ay sumugod ang medyo matabang lalaki.

"Wait" pigil ko sa kaniya. "Sigurado ka na ba?" ngumiti ako.

'Di niya ako pinakinggan at mabilis na sumugod sinuntok ko siya sa mukha. Sumugod ang tatlong lalaking sabay-sabay, sipa, suntok at batok ang ginagawa ko.

I am enjoying the scenes!

"5 bad boys knocked out!" Nakangisi kong pinagmasdan ang mga nakahigang lalaki.

Akma na sana akong lalapit sa lalaking binugbog nila pero natigilan ako nang may pumalakpak.

"Magaling bata!" Isang lalaking may peklat sa kilay.

"Rocky, isama nalang kaya natin siya?" Sabi ng isang makisig at poging lalaki.

'Di siya bagay na kasama ng mga iyon.

"Kung papayag siya, Tyron." taas noong sabi no'ng Rocky.

"Hey! I'm Braid. Gusto ka isama ni boss!" Maangas na sabi ng isa pang poging lalaki.

'Di rin siya bagay kasama ng mga iyon.

"Not interested, I'll go home."

Akma ko na sanang itatayo ang lalaking niligtas ko pero nagsalita muli si Rocky.

"You think you can go home?"

"Gano'n kadali?" Nakangising ani no'ng Tyron.

Tiningnan ko silang lahat.

Shut! Napakarami! Di ko to kakayanin kapag inabot ako ng katam, katamaran.

Unti-unti kong nilabas ang phone ko sa bulsa sana lang ay di mahalata

Tatawagan ko si Rev at Kean! I badly need a back up. I'm not in the mood to exercise.

Revnel Han Sin and Kean Patrick Valencia. Answer the phone! Kung kailan naman nasa binggit na 'ko ng kamatayan 'di maasahan tong dal'wang kumag na 'to!

Bigo ko iyong ibinalik sa bulsa ko.

Wala ng anu-ano ay sumugod na ang mga tauhan ni Rocky. Tinulak ko muli ang lalaking tinulungan ko sa gilid.

Nagmadali akong umatras pero sunod-sunod na nila akong inatake. Ilag, suntok at sipa ang ginagawa ko. Ang dami nila pero pilit kong kinakaya dahil nga wala ako sa mood pero kung nasa maayos akong kondisyon ay baka sa libingan na makita ang mga ito.

"Ahhhh!" Sigaw ng lalaking may hawak na kutsilyo.

Medyo kumalabog ang dibdib ko pero hindi nagpatinag at umatras. Nang akmang sasaksakin niya na ako ay mabilis akong umiwas pakanan. Nahawakan ko ang kamay niya at pinilipit ito hanggang sa malaglag na ang kutsilyo. Sinuntok ko siya at natumba. Sa 'di ko inaasahang pangyayari nasuntok ako ng isang lalaki.

Siya iyong Tyron! Ang lakas niya sumuntok!

Bumalanse ako upang hindi matumba pero nasipa niya pa ako kaya tuluyan na akong gumulong sa kalsada. Humawak siya ng kahoy napapikit ako nang akmang ihahampas niya sa akin iyon.

Bakit ba kasi ngayon pa ako wala sa mood? Shut!

Nagmulat ako ng mata nang walang tumama sa akin na kahoy. Laking gulat ko nang makita ang isang taong nakikipaglaban at inililigtas ako.

Mabilis at malakas ang kilos niya pero parang babae? All black ang suot niya. Black long sleeves na fitted sa kaniya, black pants and shoes with cap na black din natatakpan niyon ang kaniyang mata kaya 'di ko makita kung sino ito.

Bumangon ako at nakipaglaban na rin. Maya-maya pa ay magkatalikuran na kami ng babae. Sinenyasan ko ang lalaking tinulungan ko kanina na tumakbo na kaya ayon dahan-dahan na siyang lumayo. Nakahinga na 'ko ng maluwag dahil sarili ko nalang ang iisipin ko at itong kung sinumang babaeng ito.

Pinagtulungan namin ang paglaban sa mga lalaking ito. Sipa at suntok ang ginawa ko. Pagod na pagod hanggang sa sumigaw na si Rocky.

"Tigil!" maayos ang tindig ni Rocky at maangas na tumingin sa amin.

Umatras naman ang mga tauhan niya at unti-unting tumigil sa pagsugod. Alerto pa rin ako dahil baka anumang oras ay susugod muli sila, nararamdaman kong gano'n din ang babaeng nasa likuran ko at nakahaya pa rin ang kamao. Pinahahanga ako ng babaeng ito.

"Sumama nalang kayo sa grupo namin" malapad ang pagkakangiting sabi ni Rocky.

"Boss mukhang magaling nga ang dal'wang 'yan!" humahangang sabi ni Tyron.

"We need them!" pagsang-ayon ni Braid.

Tumango si Rocky at ngumiti sa amin.

"Kamangha-mangha ang ipinakikita niyong bilis, lakas, talino at strategy sa pakikipaglaban. Bibigyan ko kayo ng tatlong araw na sumama sa grupo namin pero kung hindi..." ngumisi si Rocky.

"Kung hindi ano?" Nakangisi ko ring tugon.

"Magugulo ang nanahimik niyong mundo." matalim ang tinging sabi ni Rocky.

Alin man do'n ay hindi ako natakot.

Tumalikod na sila at naglakad papalayo.

"I'm not afraid!" Pahabol na sigaw ko sa kanila. Napahinto sila upang dinggin ang sigaw ko pero naglakad rin muli.

Susulyapan ko na sana ang babaeng kanina ay nasa likod ko pero gulat ako nang makitang naglalakad na siya palayo. 'Di ko alam kung hahabulin ko ba iyon o ano.

"Wait!" Humugot ako ng maraming hangin bago muling nagsalita. Nakita kong napahinto siya sa paglalakad pero 'di lumilingon sa akin. "I can't say thank you!" Sigaw ko. "Because you are the one who helped me without asking if I need you!" Pagtutuloy ko sa sinasabi. Wala akong makapa kung ano ang sasabihin ko.

"Who are you?" Nakakunot noo kong tanong sa kaniya.

Nakatalikod pa rin siya at 'di lumilingon sa akin. 'Di ko makita ang mukha niya.

"z4" malamig na tinig na sabi niya.

Muli siyang humakbang at lumakad papalayo. 'Di ko na siya hinabol dahil natatakot akong baka masamain niya.

Pinanood ko nalang siya hanggang mawala na sa paningin ko, yumuko ako at tumingin muli sa dinaanan ng babae.

"You amazed me" bulong ko sa sarili ko.

Ngayon lang ako nakakita ng babaeng gano'n makipaglaban. Matapang, mabilis at malakas.

Anong klaseng babae ba siya? At z4? Pangalan ba iyon?

I admire you, z4.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now