Fourty Three - (Calvin's Invitation)

Start from the beginning
                                    

"Ahh...." Although bakas pa rin ang doubt ay tumango na lang siya tapos ay bumalik sa pwesto niya. Yung isa rin ay bumalik na sa sarili niyang pwesto pero bago yun ay tinapik niya muna ang balikat ko.

"Kakaiba talaga ang imahinasyon mo, Carillo."

Napangiwi ako.

Binaba ko ang mga hawak ko at pumunta sa gilid para kumuha ng paint remover at isang putty knife na gawa sa plastic. Uulitin ko na lang yung painting ko. Buti na lang hindi ko pa 'yon nalalagyan ng varnish.

Buset. Peste ka pa rin talaga sa buhay ko, Jiro!

Matapos ang klase ay tumungo ako sa student's lobby para hintayin sila Francy, may ilang minuto pa kasi ang mga 'yon bago ang dismissal nila kaya tatambay muna ako. Syempre gaya ng nakasanayan, bago umupo sa isa sa mga vacant table ay bumili muna ako ng strawberry milk sa vending machine.

Habang kagat-kagat ang straw at sumisipsip d'on ng gatas ay pinanuod ko ang ilang mga estudyanteng nakatambay rin maging 'yong mga dumaraan at mga naghaharutan. 'Di nagtagal ay na-bored din ako sa ginagawa ko. Kukunin ko na sana ang cellphone ko para maglaro ng games nang biglang may umihip sa kaliwang tenga ko dahilan para mapasigaw ko.

Tumingin ako sa humahalakhak na kupal na 'yon at sinamaan siya ng tingin.

Parang déjà vu, ba? Hinde! Dahil hindi lang ito dalawang beses na nangyari!

"Hindi ka ba pwedeng sumulpot ng normal kahit isang beses lang?!" Bulyaw ko kay Calvin habang binibigyan siya ng nakamamatay na tingin. Ngumiti lang siya sa'kin ng malaki bilang tugon, 'yong labas ang ngipin, sabay upo sa vacant seat sa harapan ko.

Tigas talaga ng mukha, eh.

"S'an mga kaibigan mo, kitten?" Tanong niya, propping his chin on his both hands.

Muli kong sinubo ang straw bago sumagot, "Wala, nasa klase pa. At pwede ba? 'Wag mo 'kong tawaging kitten."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit naman? Bagay kaya sa'yo."

"Hindi ako kuting!" Angil ko. Mas lalo naman siyang natuwa sa reaksyon ko.

"Sige, pero dapat tigilan mo na rin ang pagtawag sa'kin ng brand ng brip. Medyo naaasiwa na 'ko, eh. Minsan nga naiisip ko, sa mga mata mo ba eh brip ang nakikita mo at hindi ang gwapo kong mukha?"

Napasinghap ako at nagkunwaring nagulat. "Paano mo nalaman?!"

Imbes na maasar ay natawa lang ulit siya nang pagkalakas-lakas. Clown ata talaga ang tingin nito sa'kin, palagi na lang akong ginagawang katatawanan!

Nang mahimasmasan ay muli siyang nangalumbaba at nakangiti akong pinagmasdan. Aniya, "Mukhang ayaw mo rin naman itigil ang pagtawag sa'kin ng brand ng brip. Kung ganon e 'di hindi ko rin titigilan ang pagtawag sa'yo ng kuting." Lumawak ang ngiti niya. "Tsaka alam mo, on the second thought, 'wag na rin talaga natin itigil."

Nagtaka ako. "Ba't naman?"

Nakita kong kuminang ang mga mata niya kaya mas lalo akong nagtaka. Sumagot siya, "Ang sweet kaya! Meron tayong sariling nicknames sa isa't-isa, hindi ba parang ang romantic?"

My lips twitched.

"Siraulo ka ba? Anong romantic sa nickname na 'brand ng brip', ha?" Naaasar na singhal ko.

"Romantic 'yon kasi galing sa'yo. Hehe.

Sumimangot ako. "Tigilan mo nga ako."

Bumuntong-hininga siya at sumandal sa upuan, hindi pa rin inaalis sa'kin ang tingin. Naiilang man ay tinatapan ko pa rin ang mga tingin na 'yon. Sa mga ganito talagang bagay lumalabas ang inner competitiveness ko, eh!

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now