Thirty Two - (Personal Cat Genie)

4.5K 275 79
                                    

[ Eden. ]

- WHO IS THE MYSTERIOUS MISS FAIRY?

- THE APPEARANCE OF THE SO-CALLED SCHOOL'S FAIRY IN THE EIS SCHOOL FOUNDATION CAUSED A RUCKUS.

- IDENTITY OF THE SCHOOL'S FAIRY WHO HOOKED THE HEARTS OF MANY MEN DURING THE FOUNDATION DAY REMAINS MYSTERIOUS.

Ilan lang 'yan sa mga headlines ng mga articles na bumaha sa website ng Eastern International School matapos ang foundation day. Sa totoo lang, 'di ko talaga alam ang existence ng website na 'yun. Ni wala akong alam na sumikat na pala 'yung 'The School's Fairy'. Kung 'di lang halos ingudngod ni Francy sa'kin ang screen ng phone niya para ipakita sa'kin yung website, baka ngayon ay nasa dilim parin ako. Nasulyapan ko rin ang comments sa mga articles, at nalaman ko rin na maraming naghahanap sa'kin. May mga lalaki pa ngang bumuo ng grupo para raw sa 'hunting'. Napakibot ang labi ko nang makita ko ang mga 'yon at napailing na lang ng ulo.

"Bebe Cheese, iba talaga ang beauty mo! Ang dami mong naakit na kalalakihan! Ikaw na! Iyo na ang korona!" Eksaheratang sabi ni Francy na tila kinikiliti sa likot ng katawan niya. Umakto pa siyang pinapasahan ako ng korona mula sa ulo niya. Napailing na lang akong natatawa. Naglalakad kaming dalawa papuntang cafeteria, galing kasi kami sa convenience store sa harapan ng school. Maaga kasing nadismiss yung klase namin kaya nagpasama si Francy sa'kin na magwithdraw dahil may gala siya mamaya at kailangan niya ng pera. Sa convenience store lang naman kasi may malapit na ATM machine.

Sa sinabi naman ni Francy gusto kong sumagot na, 'Oo, syempre naman! Kapag ang gwapo binihisan ng pangbabae, ano pa ba ang magiging resulta? Syempre isang diwata! Sino bang hindi mabibighani sa'kin kung ganon diba?' pero ngumiti lang akong pinaalalahanan siya.

"Hindi nila pwedeng malaman na ako 'yun, okay?"

Mahirap na, baka kuyugin ako. Isa pa, ano na nalang ang magiging reaksyon ng mga kalalakihan kung malaman nila na ang bago nilang ideal girl ay hindi naman pala isang girl? Baka mabugbog pa 'ko. Very wrong 'yun. Iiyak ang langit kapag nasira ang mukha ko!

Tumango naman si Francy saka pinisil ang pisngi ko, "I know, bebe cheese. Didn't I told you before na I'll protect you from those hormonal pigs? Delikado na, baka makidnap ka naku! Saka baka sampalin ako hanggang sa hukay ng ate mo!"

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Pero speaking of Ate, I wonder kung bakit wala pang nakaka-pansin na magkamukha yung hinahanap nilang school's fairy at ang ate ko? Kasi diba namention ko na dati na boy version ako ng ate ko? Kapag naging babae ako ay walang sinong makakaalam which is which! So for them to not notice the resemblance ko with ate, is this what they call the magic of make-up? Pero sabagay, ni hindi nga nila malaman na ako 'yun eh!

Kaya nga hindi ako kinakabahan na baka may makaalam, unless may magsabi sa kanila. Kasi nga, hindi nila ako mamukhaan mula sa pananamit kong 'yun. Kahit baliktarin pa nila ang buong campus, hinding-hindi nila mahahanap ang taong nasa likod ng 'The School's Fairy'. HAHAHAHA.

Well- yun ay kung hindi ako isusuplong nung mga representatives, nila Selena, at ni... Jiro! Shet, oo nga pala. Isa rin ang asungot na yun sa may alam!

H-Hindi niya naman siguro sasabihin sa kanila na ako yung school's fairy 'no? I mean, wala naman siyang pakealam kasi sarili lang naman niya lagi ang mahalaga sa kanya. Diba? Diba? Dibaaaa?!

Huhu. Wag mo na nga lokohin ang sarili mo, Eden! May galit sa'yo yung tao na yun 'no! Malamang sa malamang hindi n'on pakakawalan ang chance na mapahamak ka! Uwa mommyyy! Anong gagawin ko? Komprontahin siya? Di kaya sapakin ako n'on? But on the other side, e diba kung hindi naman dahil sa'kin hindi siya makakabalik sa bahay nila Selena? Ako rin ang nag-alaga sa kanya magdamag! Siguro naman sapat na yun na dahilan para wag niya akong isuplong?

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now