Fourteen - (On the rooftop)

4.7K 288 37
                                    

[Third Person.]

Pakiramdam ni Eden may pumindot ng switch ng paghinga niya kaya tumigil ito. Nanigas si Eden sa kinatatayuan niya na para bang binuhusan niya ng semento sa buong katawan niya. Napataas naman ng kilay si Jiro habang pinapanood ang mas maliit na lalaki na paulit-ulit na binubuksan at sinasara ang bibig- naghahanap ng maipapanglusot sa kasalukuyang sitwasyon.

Anak ng teteng. Nahalata niya ba?! B-Buking na 'ko?!

Napailing si Eden sa naisip, nagpapanik ang puso.

Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi pa nga nagpo-progress ang plano ko, eh! Napaka-observative naman kasi ng pesteng asungot na bakulaw na mukhang libag na 'to!

A-Ano nang gagawin ko...?

"Pft- HAHAHAHAHAHAHA!"

Napaigtad si Eden at naputol ang pag-iisip niya nang marinig niya ang pagbunghalit ng tawa ng lalaking kasama niya. Tiningnan niya si Jiro na parang tinubuan ito ng tatlong ulo. Ano naman kayang tinatawa ng asungot na 'to?

"Anong nakakatawa?" salubong ang kilay na tanong ni Eden. Ang inis na nararamdaman nya ay mas lalong nadagdagan at natabunan pa ang pag-aalalang naramdaman nya kanina sa itinanong ni Jiro. Kung meron lang syang carrot, sinaksak nya na si Jiro. At kung bakit carrot, hindi nya rin alam. Siguro dahil galit sya sa carrots. Carrots are evil!

Hindi agad sumagot si Jiro at pinakalma muna ang sarili sa pagtawa. Pinunasan nya ang mga namuong luha sa gilid ng mga mata nya at binigyan ng nangunguyam na ngiti si Eden.

"Talagang napaisip ka ha? Faggot, mula sa pink mong buhok hanggang sa talampakan mo, at sa mga kuko mong malamang ay may kulay, alam kong bakla ka. Tsk, unang kita ko pa lang sayo alam ko nang bakla ka. Amoy na amoy ko ang lansa ng pagiging salot mo sa lipunan." nakakairita ang ngiti nya at ang mga salitang lumabas sa bibig nya ay nakakagalit- ang sarap nyang sapakin! Kinuyom ni Eden ang mga kamay nya at kung nakamamatay lang ang tingin, malamang nakahandusay na sa harapan nya si Jiro.

Ano bang problema nya at ganyan sya magsalita? Bakit galit na galit siya sa mga homosexuals?

Tsk. Pero bukod pa dun, iniisip rin ni Eden ang sinabi ni Jiro.

H-Hah! Unang kita nya pa lang sa'kin, alam nya nang bakla ako? Eh hindi pa ko nagpapanggap na bakla nun ah?!

His mouth twitched. His manly ego took a serious devastated blow. Hindi nya matanggap na dudurugin lang ng ganito ng asungot na 'to ang pagkalalaki nya.

Pero pinigilan nya ang sarili niyang magsalita ng kung ano na pwedeng makapagpabuko sa kanya. Nagpapanggap syang bakla, hindi sya pwedeng magalit sa mga ganung dahilan dahil baka masilip ng iba kung anong nakatago sa likod ng pagpapanggap nya. Mahirap na, wala pa ngang progress ang misyon nga, e. Hindi pwedeng sirain ng isang salita ang lahat ng plano nya. At hindi rin sya makakapayag na sirain yun ni Jiro.

Kaya bukod sa masasamang tingin na kasalukuyan nyang binabato kay Jiro, wala na syang ibang ginawa. Hindi na rin sya nagsalita at nakasandal sa pader na umupo na lang habang yakap ang mga tuhod nya.

Gaya kanina, hindi niya na lang papansinin ang pangalawang presensya sa rooftop. Iisipin niya na lang na wala syang kasama.

With a firm resolution, Eden pursed his lips and buried his face on his knees.

Pero hanggang kailan naman kaya sya makukulong dito sa rooftop? Absent na sya sa mga natitira niyang subjects, panigurado ring alam na nila France ngayon na nawawala siya dahil naiwan yung bag niya sa room. Sana lang sila ang unang makakita at makakuha ng bag niya dahil nandun pa naman yung cellphone nya! Bagong bili lang yun, eh. Isa pa kapag hindi siya nakalabas dito at abutin pa sila ng dismissal, baka mag-alala ang ate niya. Kasabay niya umuwi ang ate Edelle niya at kapag uwian na tapos hindi pa sya pumupunta sa parking lot, mag-aalala ng todo ang ate nya!

The School's Fairy | BxBNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ