Thirty Seven - (End of Arc 1)

4.2K 279 75
                                    

[ Eden. ]

Nagpalabas ako ng isang pilyong hagikgik matapos mabasa ang article na pinublish ni Dicky kani-kanina lang. Ilang minuto pa lang itong naisasapubliko pero ang dami na agad responses mula sa mga estudyanteng naging hobby na yata ang pagtambay sa forum section ng school website.

Ginawa niya ang sinabi ko. Nakapalaman doon sa article ang isang public apology at pag-amin na lahat ng nilalaman ng nauna niyang isinulat ay pawang mga kasinungalingan lamang. Wala rin siyang binanggit tungkol sa aming dalawa ni Jiro, ang sinabi lang nya ay nakonsensya siya sa ginawa niya at hindi niya inakala na sasabog ng ganun ang balita.

Napatango ako bilang acknowledgement, binibigyan siya ng thumbs up sa isip ko. Masunurin naman pala sya! Hindi naman pala ganun kasing Dicky ng pangalan nya ang personality niya. Mukhang mas Dicky pa nga si Jiro kaysa sa kanya.

Yes, hindi ko pa rin malimutan yung ginawang pang-iwan ni Jiro sa'kin kanina! Sa dami ng dala kong mga cleaning materials, muntik na 'kong ma-late sa klase ko! Tapos 'di pa ako nakakain. Buti na lang mabait akong tao kundi dinukot ko na ang intestines nya at ginamit yun para sakalin sya!

Joke-- Hindi po ako ganun ka-rahas! Good boy po talaga ako, promise! Cross my heart, masunog man ang pink kong buhok!

"Ano yan?"

Bigla kong naramdaman ang paglapit ni Ate mula sa likuran ko, nakaupo kasi ako sa sofa, at bago ko pa man mailayo ang phone ko ay nahablot nya na iyon mula sa pagkakahawak ko.

"Ate naman! Ang epal mo talaga!" Inis na angil ko nang 'di ko nahabol ang cellphone ko dahil agad nya iyong nilayo. Tumingin siya sa'kin, tinaasan ako ng kilay saka dinutdot ang noo ko na ikainis ko pang lalo, "Aray! Arg!"

"Anong epal ka dyan? Kanina pa kita tinatawag para mag-hapunan pero 'di ka sumasagot. Yun pala nakatutok ka lang dito sa cellphone mo! Ano ba 'tong binabasa mo, ha?" Matapos nun ay tiningnan nya ang screen ng phone ko kaya nagkakanda-haba ang ngusong naipatong ko na lang baba ko sa headrest, wala nang nagawa pa.

Nakita kong napakunot ang noo ni ate habang binabasa ang article at pagkatapos nun ay muli niya akong tinapunan ng tingin. Agad naman akong umiwas ng tingin at kaswal na pumito.

Pero hangin lang ang lumalabas. Yaks, hindi nga pala ako marunong pumito.

"Jiro Tolentino? Hoy, Eden. Ini-involve mo na naman ba ang sarili mo sa taong 'to, ha?" Pinagkrus ni ate ang mga braso sa harap ng kanyang dibdib at salubong ang mga kilay na tinitigan ako.

Hindi ako sumagot. Bagkus ay kinuha ko lang ang throw pillow na nasa gilid ko at tinakip yun sa mukha ko.

Pero hinablot lang yun ni ate.

"'Wag mo 'kong taguan. Sagutin mo ang tanong ko." Matigas na turan ni ate, nakakatakot ang itsura. Para akong lalamunin ng buhay.

Napalunok ako at nakaramdam ng nerbyos, kung saan-saan dumapo ang mga mata ko pwera kay ate. "A-Ano... ate, kasi... ano..."

"Ano?"

Kinagat ko ang labi ko at tumungo. Sinisilip si ate mula sa likod ng mga pilik-mata ko. Nakita kong napabuntong-hininga si ate at inikutan ang sofa para umupo sa tabi ko. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya ng nakanguso, parang nagpapaawang tuta. "Ate, sorryyyy."

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now