The School's Fairy

17.4K 451 28
                                    

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Warning

This book contains boyxboy relationship, if this is not your cup of tea then please exit the page. Please be kind and do not leave any homophobic and rude remarks. You will also encounter a lot of errors (be it typographical or grammatical) so please bear with me. You may kindly point it out to me so I can edit it out right away. I accept criticisms, but only constructive and not destructive. Everything in this book is made-up (the setting, school system, etc) so don't take it seriously and point it out saying this isn't like this, there isn't anything like that, etc because like i said, this book is purely fictitious. If you don't like it then go away, the exit button is always available.

If you don't have any problem with the said things above, then you may continue. Please enjoy reading!

All Rights Reserved
The School's Fairy
Written by perverted_banana

---

"Hoy fairy, alam ko na ang sekreto mo!" nakangising anang lalaking nasa harapan ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba pero hindi ko yun pinahalata. Maarteng namewang at tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Ano bang sinasabi mo, asungot? Kung wala namang sense 'yan, wag mo nang ituloy. I don't want to waste my precious time with your nonsensical---"

Naputol ang sinasabi ko nang kwelyuhan nya ako at hinigit papalapit sa kanya hanggang sa nakatingkayad na ang mga paa ko. Napalunok ako dahil sa kaba. Masyadong matalas ang binibigay n'yang tingin at ramdam ko rin ang init ng hininga niya na tumatama sa mukha ko!

"It was all just a pretense, wasn't it? Nagpapanggap ka lang na bakla para makuha mo si Selena! I knew it, you like Selena so you pretended to be gay so you can get close to her! Akala mo hindi ko malalaman? Heh, you are busted."

Shit. Shit. Shit. A hundred shit na mainit at malagkit-- Wait, yuck.

Kalmado akong nakatingala sa kanya pero sa loob ko, nagkakagulo na ang mga lamanloob ko! Warning! Warning! Mission abort! Mission abort!

"Ano bang sinasabi mo? Mandiri ka nga! Hindi kami talo dahil pareho kami ng taste! Bakla ako, okay? Bayot, bading, sirena, dyosa, fairy! Hindi ba halata sa pink kong buhok?! Eh mas babae pa nga ako kung kumilos kaysa kay Selena, eh! Nakakaloka ka! Bitchslap kaya kita kaliwa't kanan?! Imposible yang sinasabi mo! Like, never in a million years! Over my dead sexy body, 'no! Kaloka." depensa ko at ginamit pa ang mga gay language na natutunan ko kay Francy para mas lalong kapani-paniwala ang pag-arte ko.

Pero mukhang hindi ko siya nakumbinsi dahil naglabas lang siya ng isang sarkastikong tawa.

"Quit it, fairy. Stop pretending. Akala mo hindi ko nahahatala ang mga ginagawa mo para ilayo sakin si Selena?! Kung paano mo sya tingnan! Kung paano mo sya hawakan? Kung paano mo ko tingnan na parang pinamumukha mo sakin na sayo sya at hindi mo sya hahayaang mapunta sakin? Nakikita ko lahat yun. I'm not stupid. Ngayon alam ko na kung bakit parang lagi kang nakikipagkumpetisyon sa'kin sa harap ni Selena. Hindi lang 'yon dahil galit ka sa'kin, kundi dahil may gusto kang patunayan. Alam ko na ngayon."

Puchaaaaaa! Anong gagawin ko?! Nabisto nya na ko?! Kailangan kong humanap ng butas palabas ng sitwasyong 'to at sa oras na 'to ay isa lang ang nakikita kong solusyon para makalusot.

Pero...

Hays! Bwisit. Kaysa naman mabisto ako diba? Nandito na 'ko, hahayaan ko pa bang masira ng epal na lalaking nagngangalang Jiro ang mga paghihirap ko? Bahala na!

"Ano, Eden? Totoo diba? Hindi ka totoong bakla! Hindi totoong isa kang fairy! You pretentiou---"

Nagulat na lang sya nang higitin ko sya papalapit at mariing hinalikan sa labi.

Naloko na talaga.

--

Nagpanggap na bakla si Eden Carillo para mapalapit sa crush nyang si Selena Rivera, ang sikat na man-hater ng school. Pero hindi nya inaasahan na may kokontra sa mga plano nya. Ang asungot na epal na si Jiro Tolentino na may gusto rin kay Selena pero hindi sya pinapansin dahil sa kanyang reputasyon bilang ang kilalang babaero ng kanilang school.

Sa dami ng pinasukang gulo ni Eden para lang hindi masira ang plano nya, hindi nya inaasahan na malilipat sa kanya ang interes ni Jiro.

Eh teka, paano na si Selena?!

Sundan ang buhay at pagpapanggap ni Eden bilang The School's Fairy.

The School's Fairy | BxBKde žijí příběhy. Začni objevovat