Twenty Six - (Something Unexpected)

4.7K 257 42
                                    


[ Eden. ]

Oh shit.

Kung minamalas ka nga naman.

Matapos nung confrontation namin ni Jiro sa harapan ng CR, sinubukan ko nang mas kumilos na parang isang tunay na bakla. Nag-research pa nga ako tungkol sa mga hilig gawin ng mga gays, tapos sinubukan ko pang mag-aral ng gay lingo! Kaso ang hirap pala, lalo na kung di ka sanay. Ang tamad ko pa namang magkabisado! Mula rin nun, mas nag-ingat na 'ko. Ayoko naman na tuluyan niyang mabuko ang pagpapanggap ko, 'no!

Kaso, shitty talaga ang tadhana! Parang may galit sa'kin.

Hindi ko maiwasang maisip habang nakatayo at nakatingin sa harap ng isang napakapamilyar na mall.

Pag-uwi namin niyaya niya ako ni Selena na sumama sa kanya mag-grocery, kasi aio daw nakakaalam kung anong bibilhin kasi kasi ako yung nagluluto. Siyempre, kasama si Jiro na hindi bumibitaw ng oppotunity para mapalapit kay Selena. Eh di syempre, sumama ako!

Kaso lang ito rin yung mall na palagi kong binibilhan kapag inuutusan ako ni ate, bukod dun sa grocery store ne medyo malapit sa bahay namin.

Yung same mall na isa sa mga nakasaksi ng mga kalandian ko bago ko makilala ang babaeng itinadhana sa'kin!

Yes, nandito sa lugar nito yung ilang tao--- gaya ng mga cashier at sales personnel na nilandi ko dati!

OH MY GOD.

Paano kapag may nakakilala sa'kin?! Huhu, mabubuko ang mga pinakatatago kong sikreto. Galit ba talaga ang langit sa mga gwapong gaya ko? Sorry po, hindi ko po kasalanan na pinanganak ako na ganito ka-charming! Sisihin niyo po ang genes ng mga parents ko!

Sob, sob, sob.

"Eden, tara na! Ano bang ginagawa mo dyan?" tawag sa'kin ni Selena, papasok na sana siya sa mall kasunod ni asungot pero napatigil dahil napansin niyang hindi ako gumagalaw.

Baaaaaabe. Bakit dito pa tayo pumunta? Sasama naman ako sa'yo kahit sa dulo pa ng mundo, pero wag dito!

Tumikhim ako at nagpa-cute kay Selena, "Babe, pwede bang sa iba na lang tayo mamili?"

"Ha? Eh, nandito na tayo."

Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pagrolyo ni Jiro ng mga mata niya sa ere.

Napakibot ang gilid ng labi ko pero determinado ako, kaya nagsalita ulit ako. "Wag dito. Kasi, ano, pangit dito! Pangit ang service, pangit ang products, pangit ang design ng store at pangit din ang---"

"Ehem."

Natigilan ako nang may narinig akong tumikhim. Paglingon ko, isang staff ng mall! Tiningnan niya ako na puno ng panghuhusga.

"Excuse me, nakaharang kayo. Kailangan ko nang pumasok sa pangit na store na pangit ang service at mga produkto." nakangiting sabi niya, pero matalas ang mga matang nakatingin siya sa'kin. Nang umusod kami ay nag-hmpp pa siya bago maglakad papasok ng store.

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa hiya.

Ano ba naman!

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now