Five - (The Reckless Fairy)

4.8K 314 14
                                    

[ Eden. ]


"Sana nandun kayo hahahahahahahaha! Ang epic ng fezlak ni Jiro kanina. Beastmode ang lolo mo eh hahahaha! Grabe, cute-cute mo talaga, baby cheese."

Hindi maka-move on si France sa nangyari kanina. Kanina pa sya taswa nang tawa, may pahampas-hampas pa sa mesa samantalang bakas naman ang pag-aalala sa mga mukha ng babe ko.

Nasa cafeteria kami ngayon. At ano pa bang ginagawa sa cafeteria? Naggagatas ng baka? Syempre, kumakain!

Si Mello at Oreo ang nagpresinta na bumili ng pagkain. Actually si Oreo lang, pero syempre ayaw naman ni Mello na mag-isang bumili si Oreo kaya sinamahan nya at bago pa sya umalis ay binigyan nya muna ng isang malutong na mura si France na syang nag-utos kay Oreo.

"Pero Eden, mag-iingat ka. Baka ikaw ang gawing target ng mga ulupong na basketball team na yun! Lalo na si Jiro. Iba pa naman ang sapak sa utak ng taong yon."

Concerned sa well-being ko ang aking babe. Yiiieeeeee. Kinikikilig ako. Wag kang ganyan, baka i-kiss kita!

"Alam ko, babe. Unang tingin ko pa lang sa kanya, alam ko ng isa syang bad news!" Kaya nga mainit na agad ang ulo ko sa asungot na yun, eh.

Pero good news naman sakin na mukhang hindi sya gusto ni Selena.

One point for the almighty Eden!

"Pero baby cheese, kahit pa gaano ka enternaining ang ginawa mo kanina kay fafa Jiro, delikado pa rin yon. Lalo nata mukhang nasa high level ang beastmode meter ng Jiro dahil sa ginawa mo! Kailangan mong umiwas sa kanya, okay?" paalala naman ni France. Ngumiti naman ako at tumango. Hindi na ko nagsalita.

Ayoko ring mangako.

Kasi alam ko naman na hindi ko kayang kontrolin ang temper ko, lalung-lalo na ang bibig ko! Kapag may nangyari na namang komprontasyon sa pagitan namin ni Jiro, kahit gaano pa ko umiwas, masasagot at masasagot ko pa rin ang asungot na yun kung sya naman nag-udyok sakin!

Dumating na sila Mello at Oreo dala ang mga pagkain. Nakangiting nagpasalamat ako sa kanila at nagsimula nang kumain. 

Bigla namang nagsalita ulit si France kaya napatigil ako sa pagsubo ng pagkain.

"Say, Eden, 'tong dalawang to kulang na lang pagbuhulin ang mga sarili sa isat isa dahil ayaw maglayo." Tinuro nya si Mello at Oreo. "Ako aaminin kong wala akong sense of commitment. At ang nagiisang inday na may pechay sa atin, ito, plano yatang tumanda ng dalaga. Ehh ikaw eden?"

I tilted my head sideways in confusion, "Ha? Anong ako?"


"Nagkajowawis ka na?" Nakakaloko ang ngiti niya. Para siyang aso sa itsura nya. Ano bang tawag dun? Ah, ngiting-aso.

Pero ano raw? Anong jowawis?

"J-jowawis?" Takang tanong ko.

"Umm! Jowa! Boylet, syota, karelasyon, kabiyak, better-half o boyfriend! Ano ka ba naman! Aayang beauty mo, aanga anga ka."

Napanguso naman ako sinabi nya. Anong aanga-anga? Di kong naman maintindihan :< Bad 'tong si France.

"Tanga mong bakla, di mo na lang kasi diretsahin at alam mo namang walang muwang yan sa mga lenggwahe mong pang alien."

The School's Fairy | BxBМесто, где живут истории. Откройте их для себя