Four - (Hate at second sight)

4.9K 297 18
                                    

A/N: Jiro Tolentino at the top xx

[ Eden. ]

As usual, dahil bagong estudyante ako ay kailangan kong magpakilala sa harapan ng klase. At siyempre, binigay ko sa kanila ang napakatamis kong ngiti dahilan para tamaan sila ng charms ko at mahulog sa gwapo kong mukha. Kaso naalala kong bakla nga pala ang role ko dito kaya pinaliwanag ko rin agad sa kanila na I'm not into girls na naging dahilan para madisappoint sila.

Nakuha lang ng isang babae ang atensyon ko nang sabihin nyang gagawin nya kong straight.

LOL.

Sumalubong rin sakin sa first period ang isang madugong 100 items na quiz. Pero sabi naman ng prof ay excempted ako dahil kakapasok ko nga lang. Bibigyan nya na lang daw ako ng special quiz.

At may mga naging kaibigan agad ako! Tatlo sila. Si France, Mello at Oreo.

Si France, the flamboyant gay (according kay Mello) hehe. Maingay siya, kalog, at sya yung klase ng bakla na mahilig sa make up. Okay lang naman sa kanya, bagay nga, eh. Hindi naman kasi flashy ang make up nya, nagbibigay lang yun sa kanya ng feminine looks. Petite sya at mas matangkad sakin ng one inch. Maporma rin sya, at girly ang pormang yun. May headband pa sya na kulay pink na may ribbon pa sa kanang gilid. Sya ang unang kumausap sakin, tinawag nya kasi ako nung naghahanap ako ng mauupuan at pinatabi sa kanila. Ang kinukuha nyang course ay HRM.

Si Mello naman yung type ng bakla na matalas ang dila. Hindi rin mawawala ang mura tuwing ibubuka nya ang bibig nya para magsalita. Palagi rin silang nagtatalo ni France. Straight-forward kasi talaga sya magsalita. Maliit nga lang sya. Pero sya yung perfect example ng small but terrible.

At ang panghuli ay si Oreo. Matangkad siya, pero isip bata. Sabi sakin ni France, hindi daw mapaghihiwalay ang dalawa. Couples kasi sila. Sweet! Haha. Si Oreo ay yung sensitive type. Clumsy rin sya. Habang nagsasalita sya kanina tumama yung kamay nya sa mesa. Tapos nung nahulog nya yung ballpen nya sa ilalim ng mesa at dumukdok sya para kunin yun, tumama yung ulo nya sa lamesa dahilan para gumawa yun ng malakas na ingay. Napagalitan pa sya ng prof. Hehe. Over-protective rin si Mello kay Oreo. Pero sabi ni France, kabaligtaran naman daw pagdating sa kama dahil si Mello daw ang bottom at si Oreo ang top.

Hindi ko nga gets, eh pero tumango na lang ako. Hehe.

Pareho silang kumukuha ng course na BS Psychology.

Pagtapos ng test at paglabas ng prof ay naghiyawan sila.

"My gawd, baby Eden! Mukhang nasa side mo si Lady Luck dahil hindi mo naranasan ang kahindik-hindik na pasakit na binigay samin ni Sir Preggy! Kashokot ang kanyang vengeance!" Natawa naman ako sa sinabi ni France.

Sir Preggy ang tawag nila kay prof dahil malaki daw yung tyan, parang buntis. Pero syempre di nila pinaririnig yun dahil kilalang terror na prof si Sir Preggy-- este prof Mandigma.

"Hindi rin naman magtatagal yun. Mararanasan ko rin yang sinasabi mong pasakit ni Sir Preggy." nakangiwing sagot ko. Napangiwi rin sya at sumang-ayon.

"Okay ka lang, Mello? Para kang hinihingal ka kanina, eh." Nag-aalalang tanong ni Oreo sa boyfriend nyang si Mello.

"Gago kasi ni Sir Preggy. Putangina bawal daw lumikha ng ingay, di tuloy ako makabahing! Isang malutong na tangina talaga nya."

The School's Fairy | BxBOnde as histórias ganham vida. Descobre agora