Thirty Nine - (Suspicion)

3.6K 259 64
                                    

[ Eden. ]

Nakanguso at naiiyak kong inihiga ang ulo ko sa lamesa. Nakatambay kami ngayon dito sa quadrangle, pero hindi sa bench na madalas naming pinepwestuhan. Nandito kami ngayon sa part na may mga lamesa kasi gumagawa si Mello at Oreo ng activities nila. Vacant time kasi namin. Si Mello at Oreo may 45 minutes pa habang 30 minutes na lang ang meron kami ni Francy at Selena bago ang mag-start last subject namin for today.

Bakit ako malungkot, you asked? May pa-surprise quiz lang naman kasi si Ma'am Faeldonia kanina, 'yung professor namin sa subject na History. 20 items, at dahil marami akong pinagkakaabalahan these days ay hindi ako nakapag-focus kaya naman tumatagingting na 6/20 ang score ko! Huhuhu, nakakahiya! Bukod pa doon eh mahina kasi talaga ako sa history. Nakakainis. Gusto kong ipakain ang sarili ko sa lupa. Sabi ko pa naman kay Mommy, mag-aaral akong mabuti. Pero ano 'tong ginawa ko? I failed her! I broke her trust! I betrayed her! I'm such a disappointment. Wala akong kwentang anak! I don't deserve to live! Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kay Mom? Baka itakwil niya ako! Ayokooooo!!!

Huhu. Lord, kunin niyo na po itong anghel na ibinaba niyo rito sa lupa. Babalik na po ako sa langit!

"Anong nangyari dyan?" Narinig kong tanong ni Mello. Malamang ako ang tinutukoy niya

"Bagsak kasi sya sa long quiz kanina at napagalitan ni Ma'am." Sagot naman ni Selena.

Naramdaman ko namang may humigit sa'kin para umayos ng upo at dalawang kamay ang nagkulong sa mukha ko tapos ay hinarap sa isang direksyon. Bumungad sa'kin ang pagmumukha ni Francy. Mas lalong pinalungkot ko naman ang mukha ko.

"Awww. It's okay, bebe cheese. Hindi naman mahihigit nun ang grades mo, eh! Bumawi ka na lang next time." Pagco-coax niya sa akin. Hinawakan ko naman ang dalawang kamay niyang nakahawak sa mukha ko at pinahaba ang nguso ko.

"Eh kahit yung mga nakaraang quizzes and activities, I barely passed lang rin, eh! Hindi ko talaga forte ang history, Francy! Siguradong babagsak talaga ako d'un. Lagot ako kay Mom." Malungkot kong pahayag.

"Ano ka ba! Hindi tayo biniyayaan ng ganda ng ating inang Aphrodite para lang magpakabog ka ng ganyan! Magaling ka naman sa reportings eh tsaka mababawi mo yun sa mga projects! Isa pa, kung gusto mo, pwede naman tayong sabay mag-aral next time! Tuturuan kita!"

Kuminang ang mga mata ko sa sinabi ni Francy.

"Talaga?!"

Pero bago pa makasagot si Francy ay sinupalpal na siya agad ni Mello.

"'Wag kang maniwala sa baklang ulikba na 'yan, Eden. Halos sumubsob nga 'yong grade nya sa history last year kundi lang sya nagpaka-plastik at sumipsip sa teacher. Pareho lang kayong lagapak pagdating sa history at kung sabay pa kayong mag-aaral, baka maghilahan lang kayong dalawa pababa at magswimming sa pinaka-ilalim ng ranking." Wala talagang patawad ang bibig ni Mello. Ang sakit magsalita! Sabay tuloy namin syang sinamaan ng tingin ni Francy.

Natawa naman si Selena. Habang si Oreo ay tila may naisip.

"May kilala akong magaling sa history."

Napatingin kaming lahat sa kanya. Puno naman ng antisipasyon akong nagtanong, "Talaga? Sino?"

Ngumiti siya nang ubod ng pagka-inosente at sumagot, "Si Jiro."

Mabilis akong nakaramdam ng panlulumo habang humalagakpak naman ng tawa si Mello, may kasama pang pahampas-hampas sa boyfriend niyang nalilito naman sa reaksyon namin. Umirap naman sa ere si Francy.

"Jusko! Para namang matutulungan ng Jiro na 'yon ang ating bebe cheese. Alam mo namang galit siya sa atin 'di ba? Baka shombagin agad tayo n'un di pa man tayo nagtatanong." Napapailing na sabi ni Francy.

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now