Twenty Eight - (The School's Fairy)

4.1K 236 12
                                    

Costume ni Eden sa media. OwO ang cute 'no? AAAaaaAAaaaaAaaA!!!

♡♡♡

[ Third Person. ]

Kilala ang foundation day ng Eastern University dahil sa araw na iyon, nagpapapasok ng mga outsider ang nasabing unibersidad para makihalubilo sa mga estudyante doon at ma-enjoy ang iba't ibang hinandang pasabog ng iba't ibang grade levels at departments. Nang araw na iyon, tirik ang araw pero masaya at puno ng enerhiya ang mga tao na pabalik-balik sa iba't ibang stalls, kani-kanilang bili ng mga produkto na inihanda ng mga estudyante at masayang lumilibot sa malaking unibersidad. Puno ng makukulay at naggagandahang disensyo ang buong sulok ng bawat building, makikita na binigay talaga ng mga estudyante ang lahat ng kanilang effort para sa pagdidisenyo at talagang pinaghandaan ang araw na iyon.

Sa mga nakahilera namang stalls , kani-kanilang stratehiya naman ang ginawa ng mga estudyante para ma-attract ang atensyon ng mga bisita at bumili ng mga produkto nila.

Kapansin-pansin ang isang stall na pinapalibutan ng maraming tao. Sa gilid ng stall ay isang maliit at bilog na stage kung saan nakatayo ang isang manika.

Hindi... Hindi ito manika kung hindi isang totoong tao! Mukha siyang manika sa suot niyang light pastel purple na lolita dress na may mga kulay puting disenyo. May suot na caramel brown curly wig na umaabot hanggang sa bewang niya at headband na kasing kulay ng dress niya. May hawak siyang kulay puti at ubod ng cute na bunny stuffed toy. Hindi lang yun, ang lahat ay naaakit sa mukha niya na parang isang manika. Sobrang puti niya, maliit ang mukha, malaki at bilugan ang itim na itim na pares ng mata, mahaba at makapal ang mga pilik-mata, maliit at pointy na ilong at kulay pink at maliit ngunit plump na labi na mukhang napakatamis kung matitikman. Lalo pang nakakadagdag sa kakyutan niya ang malalim niyang dimples sa magkabilang pisngi na lumilitaw tuwing siya ay ngumingiti.

May arko naman at sa taas at may sign board na may sopistikadang disenyo na may nakasulat na 'The School's Fairy' in cursive writing. May maliit naman na bubong para hindi direktang tumatama ang sinag ng araw sa taong nakatayo sa maliit na stage, dahil talagang manghihinayang ang kung sino man kapag nakita ang maputing balat na yun na mapaso ng mainit na sikat ng araw.

Maraming tao ang nagpapalitrato kasama ng nasabing 'The School's Fairy', at karamihan sa kanila ay, ano pa nga ba kundi, mga lalaki!

"Miss Fairy, anong pangalan mo?" Matapos makakuha ng litrato kasama ng School's Fairy ay hindi mapigilang maitanong ng isang lalaki. Isa siya sa mga estudyante sa unibersidad pero kahit kelan ay di pa siya nakakakita ng ganito kagandang diwata na nasa harapan niya. Gusto niya itong makilala.

Ang natawag namang 'Miss Fairy' ay hindi mapigilang mapangiwi, pero agad siyang nagpakapropesyunal at nagbitiw ng isang napakatamis na ngiti sa lalaki.

Dahil sa ngiti na yun ay mas lalong lumakas ang kagustuhan ng lalaki na makilala ang nasa harapan niya. "Miss---"

"Hep, hep, heppp!!!!"

Isang malakas na boses ang agad na pumutol sa sasabihin ng lalaki. Isang maganda at matangkad na babae ang humawak sa balikat ng lalaki at marahan siyang tinulak palayo kay Eden.

Tama, ang pinagkakaguluhan ngayon ng mga lalaki na mukhang manika at tinatawag na 'School's Fairy' ay walang iba kung hindi ang bida natin, si Eden!

The School's Fairy | BxBOn viuen les histories. Descobreix ara