Two - (Prepping)

6.5K 301 27
                                    

A/N; JIRO TOLENTINO SA MEDIA! PUGEEEEEE SHEWT! SO HAUT NAMAN DIS BOI. EKK

♡♡♡

[ Eden. ]

"Eden, sigurado ka ba sa sinasabi mo?"

Napabuntong hininga naman ako at seryosong tiningnan si ate, "Oo ate. Sigurado ako at buong-buo na ang desisyon ko." Ngumiti ako ng ubod ng lawak. "Papasok ako sa Eastern International School."

"Pero---"

"Ate... please?" mahinahong pigil ko sa kanya. Kinagat niya ang ibabang labi niya at pinaglaruan iyon. Kita ko sa mukha niya ang pag-alala kaya naman ngumiti ako para ipakita sa kanya na magiging ayos lang ako.

"Bakit ba biglang nagbago ang isip mo? Dahil lang dun sa kapatid nitong si Sendy? Ha?"

"Oo." I sheepishly smiled. "Ate, I fell in love at first sight! Gusto ko siyang makilala, gusto kong mapalapit sa kanya, gusto kong ligawan siya, gusto ko siyang pakasalan at gusto kong mabuhay kasama niya at ng isang dosena naming anak na ang kalahati kamukha ko tapos yung kalahati kamukha niya! Ateeeee hindi ako mabubuhay ng wala siya! Ate, ikamamatay ko yun! Ate--- Arayyyy!!!!"

"Pwede bang umayos ka?! Seryoso tayong nag-uusap tapos bigla kang gaganyan. Umayos ka nga!" Suway ni ate matapos niya akong batukan. Narinig ko naman ang pagtawa ni Ate Sendy habang papalapit siya, dala ang ni-bake nilang cookies ni ate kanina.

"Ate Sendy, ilakad mo ko sa kapatid mo! Pleaaaaaaaase!" Pagpapacute ko while grinning. Ang ekspresyon kong gustong-gusto ni ate Sendy. When I grin, my gums shows and according to ate Sendy, I look adorable daw when I grin. One time, kailangan pang ibigay ni Ate Edelle ang buong lakas niya para alisin ako sa nakakadurog-buto na yakap ni ate Sendy. She's a hugger. An ultimate hugger.

"Awww... stop doing that! You know I can't say no kapag ginagawa mo 'yan!" She whined and cooed at the same time.

"Exactly why I'm doing this! Please, ate Sendy? Ilakad mo ko sa kanya, pleaaaase?"

"Nako, tigil-tigilan mo si Sendy, Eden ha. Hindi ko pa nga napag-iisipan yang sinasabi mo kung papayag ba ako o hindi. Nag-aalala ako sayo! Sigurado ka bang she's enough reason para harapin yang... takot mo?" bakas ang sobrang pagaalala sa boses ni ate. Kaya naman bumuntong hininga ako at tumabi sa kanya sa pagkakaupo nya sa sofa pagkatapos ay niyakap ko sya.

"Ayaw mo bang harapin ko yung 'takot' ko? Malay mo naman, mawawala na yung pag-aalala ko kapag nakapasok na ako sa isang school? Matagal na panahon na rin naman. And this is the first time na nagkaroon ako ng interes sa isang babae, ate! Hindi lang 'to simpleng landi! Tingin ko nahulog talaga ako pagkakita ko sa kanya! Gaya ng mga nababasa ko sa libro, yung puso ko biglang tumalon! Para akong napako sa kinatatayuan ko tapos yung katawan ko ang init-init! Naiintindihan mo naman ako diba? Ate... I think she's the one."

Matagal siyang tumitig sakin bago siya maglabas ng isang buntong-hininga, senyales na sumusuko na sya. Lumawak naman ang ngiti ko kaya napairap siya.

"Fine. Kakausapin ko si Mommy tungkol dito."

"Thank you!"

"Eh, pero Eden..." napatingin ako kay Ate Sendy, inabutan niya ko ng cookies. "May problema lang kasi, eh."

"Ano yun?" Takang tanong ko. Nang makita ko ang pagaalangan sa mukha niya ay nalungkot ako, "Ayaw mo ba ko para sa kapatid mo?"

"No. I know you naman and I like you for her. You're cute---well, attractive. You're honest, funny, naughty, flirty but you're innocent and a little naive dahil you've been sheltered and pampered for years. Kung hindi ka nga lang mas bata sakin ng ilang taon eh gugustuhin kong ligawan mo 'ko. Pero kasi, Eden, yung kapatid ko... wala siyang tiwala sa mga lalaki."

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now