Thirty Four - (Calvin's motive)

4.1K 318 63
                                    

[ Eden. ]

Sinabi ko kay Jiro na kalimutan niya ang nangyari. Nag-walk out pa 'ko nang punong-puno ng confidence at iniwan siya doon na nakatunganga. Pero nang mahimasmasan ako at naisip ang ginawa ko, hindi ko mapigilang mapatampal ng noo. Anak ng kagang! Parang gusto ko yatang ihampas ang ulo ko sa semento!

I have been kissed twice today! Worst is, the other one is with a man-- at ako pa ang nag-initiate!

Its not that may issue ako sa pagiging gay. Heto nga at nagpapanggap ako bilang isa. And I respect relationships between two men!

Saka bago ko nga makilala si Selena, wala naman akong pake sa sinasabi nilang preference eh. I flirted with both men and women. Though, I don't consider myself as bisexual because I'm not even the least bit attracted to them. It was just my sexy self being a little playful.

Okay, let's say, very playful.

But that's not the point!

Ang point dito ay hindi naman talaga ako bakla! At sa ginawa ko, para rin akong bumuhat ng bato at binagsak sa sarili kong mga paa. Masyadong masakit para sa manly ego ko! Ako pa yata mismo ang nakadurog nito.

"Ugh!" Ang ungol ko saka binaon ang mukha ko sa mga palad ko. Simula nang pumasok ako sa school na 'to, ang dami ko nang bagay na ginawa na hindi ko talaga inaasahang gagawin ko sa buong buhay ko!

"E-Eden? A-Ayos ka lang ba?"

Nang marinig ko ang boses ni Nicky na tinawag ako ay dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at bumaling sa kanya. Hindi ko mapigilang mapanguso na parang naiiyak na. Nagitla naman siya nang sandaling iharap ko sa kanya ang mukha ko.

"N-Namumula ang mukha m-mo!" Magkahalong mangha at pag-alala ang puminta sa mukha niya. Ingat rin niya ang kamay niya para hipuin ang pisngi ko. Nasaksihan ko naman ang panlalaki ng mga mata niya. "Eden, ang init mo!"

I know, I'm hot.

Pero syempre 'di ko isinatinig yun. Sa isip ko lang, hehe. Pero sa sinabi rin na yun ni Nicky ay napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman kong mainit nga! Mabilis kong hinipo ang leeg ko.

Holyshit, nilalagnat ako.

"G-Gusto mo i-ihatid kita sa infirmary?" Ang concerned niyang suhestyon. Of course, pupunta talaga ako ng infirmary! Letting myself be aggrieved is the least thing I'd do. Pero ayoko ring maabala si Nicky dahil on-going pa ang klase kaya umiling ako.

"Wag mo na akong ihatid, kaya ko na ang sarili ko. Hindi naman mataas ang lagnat ko, eh. Baka nabinat lang."

Pero ba't kaya ako nabinat? 'Di naman ako buntis, ah.

Hehe, joke.

"S-Sure ka?" Paninigurado ni Nicky na nakangiting tinanguan ko naman bilang sagot. Tapos nun ay nagtaas ako ng kamay para kunin ang atensyon ng babaeng prof na kasalukuyang nagdi-discuss. Nang makuha ko ito ay nagpaalam akong pupunta sa infirmary. Syempre hinipo muna ni prof ang leeg ko para masiguro kung totoo ang sinasabi ko bago niya ako payagan lumabas.

Bago ako makalabas ng room ay wala sa sariling napadako ang tingin ko sa upuan ni Jiro na ngayon ay bakante. Mag-iisang oras na pero hindi parin siya dumarating. Nahimatay na kaya yun? Siguro. Kasi sino ba namang hindi mahihimatay kung halikan ka ng isa sa mga kinasusuklaman mo, diba? Bilang isang homophobe gaya niya, siguradong mas malaki at mas malakas ang impact sa kanya ng ginawa ko kaysa sa'kin.

Sa isiping yun ay lumitaw ang isang mapaglarong ngiti sa labi ko.

Hindi yun dahil masaya ako sa misfortune ng iba ah! Hindi talaga! Good boy kaya ako.

The School's Fairy | BxBWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu