Ten - (Finding out a different side)

4.7K 253 29
                                    


[ Eden. ]

Nanatili akong nakanguso hanggang sa makarating kami ng school. Dala ng pag-aalala, walang tigil ang pag-comfort sakin ni France at pagbibigay ng assurance na walang mangyayaring masama sa 'nag iisang petchay sa grupo' at kung meron man ay kaya nya namang protektahan ang sarili niya dahil nag-aral siya ng taekwondo, judo at kendo.

Okay.... Dahil sa sinabi nya lalo akong nainlab kay Selena.

Ang galing galing ni wifey! Hindi talaga katulad ng ibang babae. She is so unique! Hihi.

Pero hindi ko parin maiwasang makaramdam ng yamot, inis, pag-kairita, pag-aalala at pagka-selos.

Kasi sige aaminin ko na mga bro, kumpara kay Jiro, walang-wala ako!

Matangkad sya, average lang height ko. Gwapo ako, pero mas gwapo sya! Hindi ako payat o mataba, pero ang lean niya! Alam ko nang kapag inangat ang damit nya, babalandra ang abs nya! Pucha.

Kahit alam kong man-hater si Selena at walang interes sa 'love life' eh alam ko namang babae pa rin sya. May kahinaan, at ang bwisit na Jiro na yun ang eksaktong modelo ng kahinaan ng mga babae! Ma-charms ang mokong at kung talagang mananatili syang consistent at magiliw sa panliligaw kay Selena babes, eh di malayong bumigay ang babes ko!

At yun ang sobrang ikinatatakot ko!

Wala akong laban kung sakaling mahulog nga ang loob ni Selena kay Jiro at isang choice na lang maiiwan sakin.... ang sumuko.

Tapos dumadagdag pa sa anxiousness ko ang fact na hindi pa sila bumabalik hanggang ngayon!

Uwaaaah! Selena, kailangan ka ng future ko! Huhuhu.

Eh kung pasukin ko kaya ang bahay nila Jiro at sugatan sya sa mukha habang mahimbing ang tulog nya? Kaso ang gwapo ko naman masyado para maging akyat-bahay lang.

Sana aksidenteng madulas si Jiro at maputol ang ochinchin nya. O kaya naman ay magkaroon ng heavy injury ang ochinchin nya para maging incompetent na sya habang buhay na walang kakayahang magka-anak! In that way, wala nang babaeng magkakagusto sa kanya at masosolo ko na ang Selena babes ko!

Mwahahahahahaha!

Bwahahahaha!

Nyahahahahahahaha!

Gyahaha--- "A-Aray!" daing ko nang bigla na lang may kumurot sa pisngi ko, at di pa nakontento, pinanggigilan pa!

Syempre, sino pa ba ang suspect? Edi si France!

"Ano bang tumatakbo dyan sa pretty little brain mo at ganyan ka makangiti? Para kang batang gagawa ng kalokohan." tanong ni France habang kurot-kurot parin ang parehong pisngi ko. Nandito kami sa cafeteria dahil may ilang minuto pa bago magsimula ang klase. Si Mello at Oreo nauna na sa room nila, si France sinamahan lang ko kasi tinatamad pa raw syang pumunta sa room ng next class nya.

"E-Eh may naiisip lang. Pero pwede bang bitawan mo na 'ko? Masakit!" reklamo ko habang pilit na tinatanggal ang galamay nya sa'kin.

Hehe. Galamay. Bad Eden. Bad!

Nilamutak nya muna ang pisngi ko hanggang sa mamula ito bago ako bitawan. Nakasimangot na hinimas ko ang naabusong pisngi ko. Araaaayyy. Paiguradong pulang-pula at namamaga na ang pisngi ko sa ginawang paglamutak ni France! Ginawa ba namang dough ang pisngi ko?!

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now