Nine - (Colonel Carrot)

4.4K 276 12
                                    


[ Eden. ]

Tumigil lang ako sa pagngawa na parang bata nang may pumasok sa isip ko na dahilan para ikahiya ko ang sarili ko at gustuhin kong kaltukan ang ulo ko ng malupet!

Parang sinarang gripo ang pag-iyak ko dahil bigla itong tumigil. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa lapag at pinunasan ang mga luha ko saka ko tiningnan isa-isa sila France, Mello at Oreo.

"Okay ka na, Eden?" nag-aalalang tanong ni Selena dahilan para kiligin ako na syempre hindi ko pinahalata! Mahirap na at baka mabuking ako!

"Okay na, babe. S-Sorry nga pala. Nakakahiya yung pagngawa ko..." paghingi ko ng paumanhin at kinamot ang pisngi ko.

"Nako, keri lang bebe cheese. Di lang namin expect na magka-crayola ka ng super to the max dahil sa cellphone mo hahahaha!"

Hindi ko naintindihan yung sinabi nya pero nakitawa na lang ako.

"P-Pero... ikaw? Kayo? Okay lang ba kayo?" balik tanong ko sa kanilang tatlo nila Mello. Naalala ko kasi bigla yung mga pinagsasabi ng asungot na Jiro na yun at alam kong nasaktan sila France.

Ngumiti si France at umiling, "Sanay na kami sa bungangers ng Jiro Tolentino, bebe cheese. No need to be worried na sa'min."

"Oo nga. Yun yatang mga insulto nila ang kinakain naming almusal kaya manhid na rin kami sa masasakit nilang salita." segunda ni Oreo.

"Tangina! Eh umiyak ka nga!" pangaasar sa kanya ni Mello na ikinanguso ni Oreo.

"Mello naman!"

"Tsk. Hindi ko lang talaga malabanan ang mga punyetang yon dahil nung pinatulan ko ang mga kagaguhan nila, si Oreo ang ginantihan nila! Tangina nila! Pailalim pa naman tumira yung gagong kaibigan nilang si River!"

Napalunok at napaurong ako ng konti. Nakakatakot magalit si Mello >0<

"Sino si River?'' Takang tanong ko.

"Yung naka-salamin." sagot ni Selena. Ahhh.. mukha pa lang eh. Kung tingnan ako kanina parang alam nya lahat ng baho ko sa katawan. Geez.

"Anong ginawa niya?" Tanong ko kay Mello.

"Putanginang yon! Hinack ang system ng school para ibagsak si Oreo! Sarap basagin ng bungo ng hayop na yon! Basagin ko salamin nya tas isaksak ko sa mata nya yung bubog punyeta sya!"

Grabe, grabe.

"Hahahahaha! Yung ugat mo sa noo magsisiputukan na! G na G, bakla?! Baka mautot ka!"

"Tanginamo Francisco!"

"Back to you Emillio!"

Nakangangang pinanood ko silang magsigawan habang inaawat naman sila ni Oreo nang maramdaman kong may nagtakip ng dalawang tenga ko. Tiningnan ko kung sino yun at bumungad ang magandang mukha ng babe kong si Selena.

Hehe... ang kinis-kinis ng mukha nya.

Wala sa sariling napangiti ako habang nakatingin kay Selena na nakakunot ang noong pinapanood ang dalawang nagsasabong sa harapan namin. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng pisngi ko at ang malakas na kalabog sa dibdib ko.

The School's Fairy | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon