Fourty Two - (Cooking Lesson)

4.2K 342 193
                                    

Favor ulit, babies. Paki-point out ng errors. Thank you ❤

ALSO, SALAMAT SA WALANG SAWANG SUPORTA GUYS. MABABA PA RIN ANG MOOD KO HANGGANG NGAYON PERO NUNG NAKITA KO 'TONG ACHIEVEMENTS (at the media) NG TSF, NATUWA AKO.

Mahal na mahal kayo ni Daddy 😭💖

[ Eden ]

Maayos naman ang pamimili namin ni Jiro. Kahit balahura at feeling hari kasi ang asungot eh nauutusan ko pa rin siyang abutin ang mga kailangan na ingredients. Ang problema lang, masyado siyang bugnutin. Marami kasing tao ngayon na namimili rin dahil weekend, araw ng pahinga ng ilan at ginamit ang araw na 'to para mag-grocery. Dahil d'on syempre hindi maiwasan na mabangga, magitgit o minsan ay maapakan ang paa ng ilang mga nagmamadaling dumadaan.

Napansin ko na palalim nang palalim ang pagkakakunot ng noo ni Jiro at halatang malapit na siyang sumabog sa inis dahil kanina pa siya nababangga. Yung ilan ay mga babae pa at bakla na talagang sinasadya na gitgitin siya at idikit ang sarili sa katawan ni Jiro. Paano ba naman kasi, kahit dito sa grocery area ay nakaka-agaw pansin pa rin siya. Para siyang model na prenteng nakapamulsang naglalakad at ginagawang runway ang aisle sa pagitan ng mga shelves na nilalakaran namin. Tila meron siyang magnet sa katawan na nakakahatak ng atensyon ng marami.

Napailing na lang ako at sinabihan siya na magpalit na lang kami ng posisyon. Sabi ko sya na ang magtulak ng shopping cart habang ako na lang sa tabi nito para hindi na siya magitgit.

Nang marinig 'yon ay tumingin lang siya sa'kin at walang salita na ginawa ang sinabi ko.

Ayt.

Alam nyo, kahit ano pang sabihin ng iba, naniniwala talaga akong 'di hamak na mas manly talaga ko sa Jiro na 'to! Totoo, higit na mas manly ako kaysa sa kanya 'no! Iba nga lang ang level ng manliness ko kasi bilang lang ang mga nakakakita. Yung mga special na tao lang.

And what I mean about special, eh yung mga taong talagang may taste sa lalaki!

Teehee.

Humawak na lang ako sa metal na gilid ng cart para tulungan siyang kontrolin yun. Baka kasi makabangga pa siya. Oh diba, ako na ang nag-a-adjust. Dapat talaga sa'kin nai-inlove ang mga babae, hindi sa katulad ni Jiro na barumbado at walang manners. Kung saan saan na lang nagtatapon ng basura niya, hindi man lang naiisip na nasasaktan niya si Mother Earth sa ginagawa niya! Oh? Yan ba ang attractive sa paningin niyo? Itaas niyo naman ang standard niyo!

Oy! Hindi ko kinukumpara ang sarili ko kay Jiro, ah! Hindi kaya! Hindi ako naiinggit sa kanya 'no. Ano naman ngayon kung sa kanya halos nakatingin ang lahat? Ano ngayon kung mas matangkad siya, mas maganda ang katawan, at mas makisig ang tindig?

Hindi ako naiinggit! Basta ako, mas charming at mas mabait. Hmp.

"Bakit ba kanina ka pa bulong nang bulong d'yan? Para kang engot."

Nang marinig ko ang komento na yun ni Jiro ay napatingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya at tinitingnan ako na parang ako ang pinaka-weird na taong nakilala niya. Napakibot ang labi ko at napatikhim na lang.

"Kumakanta ako! 'Wag kang magulo." Palusot ko.

Kita so gilid ng mga mata ko ang pag-iling ng ulo niya pero hindi na siya nagsalita pa. Itinikom ko na lang din ang bibig ko.

Nang madaanan namin ang frozen goods ay kumuha na rin ako ng dalawang pack ng hotdogs. Hindi ako kumuha ng gatas kasi ino-order namin yun. Ang gusto kasi namin ni ate ay yung organic na gatas! Yung freshly-squeezed galing sa mga baka na mula pa sa New Zealand! Mas masarap kasi ang organic milk at mas healthy pa. Kaya everybody say thank you our dear-dear cows!

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now