Twenty five - (Oh no!)

4K 244 11
                                    

[ Eden. ]

Badtrip talaga si asungot. Nakakainis!

Ah, bakit badtrip ako?

Kanina kasi nung pauwi kami, syempre sumakay ulit kami ng jeep. At dahil ladies first dapat lagi--- dahil isa akong gentleman, nevermind Jiro--- pinauna namin sumakay si Selena. Tapos sumunod agad ako, pinausod ko pa si Selena babe sa tabi ng isang babae para hindi makaupo si Jiro sa tabi niya, at syempre si Jiro, na wala nang nagawa, ay umupo na lang sa tapat namin habang binibigyan ako ng masamang tingin. Hindi ko pa mapigilan ang pangisi ko kasi akala ko nakaisa na 'ko! Kaso bumaba rin agad yung babaeng nasa tabi ni Selena babe, at agad namang umupo si Jiro asungot dun sa space na iniwan nito. At ang bwiset, binigyan pa ko ng side glance! Hindi ako nagoover-react, PINOPROVOKE NIYA TALAGA AKO!

Hmppp.

Tapos nung pagbaba namin, edi syempre nauna siya bumaba kasunod si Selena babe. MAY PAALA-ALALAY PA SIYANG NALALAMAN. Anong akala niya kay Selena babe, hindi marunong bumaba mag-isa? Feeling gentleman, hindi naman bagay sa kaniya! Pero syempre kung ako ang gumawa nun, okay lang.

Wala nang pakialamanan kahit ego ko na ang pinapairal ko! Ganito talaga ako ka-unreasonable! Very wrong ang umangal!

Tsk, pero alam kong kapag hindi pa talaga ako kumilos at gumawa ng paraan, baka maagaw talaga sa'kin ng asungot na yun ang future wife ko. No way!

Pero ano naman kayang pwede kong gawin para hindi maka-advance si Jiro?

Yun bang... yun bang pwedeng maging dahilan para ma-turn off ang baby ko sa kanya?

Hmmmmm.

Napakamot ako ng ulo sa pag-iisip habang kumukuha ng gatas sa ref, pagkatapos ay pinainit yun. Umupo ako sa stool pagtapos kumuha ng mug, saka nagmuni-muni habang hinihintay umabot sa tamang init ang gatas ko.

Saan kaya pwedeng maturn off si Selena babe?

Eh, pero, wala naman akong alam kay Jiro na pwedeng ika-turn off ni Selena babe.

I mean, alam na naman ng lahat na masama ang ugali niya, mayabang, bully, makasarili at babaero!

Pero may mga sekreto kaya siyang tinatago na pwedeng maging dahilan para di siya magustuhan ni Selena babe?

Teka--

Nanlaki ang mga mata ko at napapitik pa sa ere.

Alam ko na ang gagawin ko!

Aalamin ko ang baho ni Jiro! Meahahahahaha! Sisiguraduhin kong aalamin ko ang piiiiiinaka-pangit at mabahong sekreto niya na magiging dahilan para iwasan na siya ng babe ko!

HAHAHA- childish na kung childish. Ginagawa ko lang 'to para sa pag-ibig at future ko!

So... paano ko ba sisimulan?

Habang nag-iisip ay sinalin ko na ang pinainit kong milk sa isang thermal tumblr at naglakad-lakad para hanapin si Selena babe.

Mas mayaman sila Selena sa amin kaya mas malaki ang bahay nila. Hindi ko lang alam kung bakit hindi sila nagha-hire ng katulong para tulungan sila dito sa bahay. Naalala ko sabi ni Selena babe na yung Manang Maricel lang ang minsan pumupunta dito sa bahay nila para tumulong, pero madalas kung kaya naman ay sila Selena babe na ang gumagawa.

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now