Eleven - (The Eden kind of revenge!)

5K 293 38
                                    


[ Eden.  ]

Crunch.

Crunch. Crunch.

"Ano ba, eden! Pwede bang wag kang maingay kumain dyan?! Kung ipagpapatuloy mo yan, dun ka sa kwarto mo kumain! Nakakainis pakinggan yang pagnguya mo!" bulyaw ni ate na katabi kong nakaupo sa sofa. Ang lakas ng volume ng bosed nya, kamuntik nang tumalsik yung eardrums ko!

Inis na nginuya at nilunok ko ang pagkaing nasa bibig ko saka sinimangutan si ate.

"Ako kaya nauna dito saka nanonood ako! Ikaw yung umeepal dyan, eh! Kung gagawa ka lang naman ng assignment, dun ka sa kwarto mo!" balik sigaw ko sabay hakot ulit ng chips sa bowl na hawak ko at sinalaksak lahat yun sa bunganga ko. Sinadya ko pang lakasan ang ingay ng pagnguya ko para asarin sya.

"Eden--- Isa! Tatamaan ka sa'ken!"

CRUNCH. CRUNCH.

"Aba't ang tigas talaga ng bunbunan mo ah! Hindi ka titigil?" pagbabanta nya. Nagbigay lang ako ng nakakaasar na ngiti habang punong-puno ang bibig ko at--- crunch! crunch! crunch--!

"Huk--!!"

Muntik na 'kong mabulunan nang biglang ihampas ni ate ang ulo ko gamit ang notebook nya! Mabilis kong nilunon ang laman ng bibig ko saka hinimas ang naaubuso kong ulo.

"Ate! Masakit yun ah!" reklamo ko habang nakanguso at sinasamaan sya ng tingin. Sininghalan nya 'ko at saka piningot sa ilong, "A-Aray! Araaaay!!!! Ate! Masaket!" hiyaw ko!

"Pasaway ka! Yan ang dapat sayo!" ismid nya bago bitawan ang ilong ko na paniguradong namumula na ng sobra ngayon! Sa ngayon alam kong namamasa na rin ang mata ko. Ang sakit kaya!

"Hindi pa ba sapat ang bukulan ko, talagang balak mo pa yatang tapyasin ang ilong ko? Sadista ka, ate! Sadista! Sadista! Dapat sayo nirereklamo sa bantay bata o sa DSWD!"

"Anong sadista ka dyan? Saka hoy! Hindi ka na bata 'no! Ang laki-laki mo na! Talagang baby damulag ka lang! Masyado ka kasing isip bata at pabebe!"

Napasinghap ako at pinanlakihan sya ng mata, "Ako? Pabebe? Sa gwapo kong 'to?! Masyado akong magandang lalaki para saktan lang ng isang ordinaryong mortal na kagaya mo ate! Alam ko namang naiinggit ka lang kasi panget ka!" pang-aasar ko na sinabayan ko pa ng paglabas ng dila para mas mapikon sya.

Hindi naman ako nabigo. Dahil kulang na lang magtransform si ate at maging si hulk. Baka nga magsiputukan pa ang mga ugat nya sa noo dahil sa frustration!

Hah! Hahahaha! Goal! One point for Eden! Yuhoooo!!! Gusto kong mag-chicken dance sa tuwa!

"Ikaw talaga-Um!" binatukan nya 'ko!

"Masaket!" protesta ko sabay usog hanggang sa gilid ng sofa para makalayo sa mapang-abuso nyang galamay at hinimas ang nasaktan kong batok. "Ate naman!"

"Anong ate naman? Sinong nangunguna satin ha? Ikaw diba?! Ngayon ikaw pa may ganang magreklamo? Hmp!" masungit nyang pahayag sabay irap sakin ng malupet.

Nginusuan ko sya. Sus! Tingnan mo 'to! Ako daw yung pabebe eh sya nga tong umaarte-arte pa ng ganyan! At sa harap ko pa! Ewe kaderder. Buti pa si Selena babes ko hindi kasing pabebe nya. Siguro ilalayo ko na lang si Selena at wag hayaang lumapit kay ate para di sya mahawa sa pabebe disease ni ate. Tama, tama! Di ko kakayanin kung ang love of my life ko maging katulad ni ate 'no! Sadista na nga, pabebe pa! Kala mo naman maganda! Eh di hamak na mas magandang nilalang naman ako sa kanya. Sa aming dalawa ni ate, ako ang mas may karapatang mag-inarte 'no! Wag nyang ipaglaban ang pagiging babae nya kasi I'm advocating gender equality dito!

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now