Eighteen - (Lost kitten)

4.6K 273 28
                                    

[ Eden. ]

Nakatulog ako habang nasa byahe kaya hindi ko napansin ang direksyon ng pupuntahan namin. Nagising na lang ako nang tapikin ako ni ate at sinabing bumaba na dahil nakarating na kami.

Dahil kinakain pa 'ko ng antok ko ay wala sa sariling sumunod na lang ako kay ate nang di tinitingnan ang pinuntahan namin. Hawak-hawak ni ate ang braso ko at tahimik lang kaming naglalakad sa isang puting pasilyo. Sumakay kami ng elevator at agad akong sumandig sa gilid para umiglip ulit. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko, taragis na yan! Hindi ko alam kung pang-ilang beses na 'kong humikab bago kami makarating sa destinasyon namin. Ang final destination! Dun dun duuunn!

Pinilit kong iwaglit ang antok ko saka tiningnan kung saan ba ako dinala ng ate ko. Pero natigilan ako nang makita ang binubuong salita ng mga letra na nasa pinto.

Psychiatric Ward.

Mabilis kong iwanksi ang braso kong hawak ni ate at saka umatras ng ilang hakbang palayo sa kaniya. Nagulat man ang ate ko ay mabilis niya ulit akong nahawakan.

"Eden-"

"Ilang beses ko bang sasabihin? Ate, hindi ako baliw! Wala akong sira sa ulo!" agad namuo ang galit sa puso ko nang maintindihan ko na kung anong balak gawin ni ate. Ipapatingin niya ako sa isang psychiatrist.. iniisip niya ba talagang baliw ako?!

"Hindi sa ganun yun, Eden!" sinubukang magpaliwanag ni ate pero agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa'kin at naluluha siyang sinamaan ng tingin. Am I upset? Yes! Very!

Ang pakiramdam ko ngayon para akong trinaidor ng taong pinaka-pinagkakatiwalaan ko.

"Eden..." sinubukan niya ako ulit hawakan pero mabilis akong lumayo at kagat ang labing umiling.

"B-Bakit ba lahat kayo tingin sakin may sapak sa utak? Tingin mo rin sa'kin ay baliw?" hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Galit, tampo, lungkot, pagkadismaya... pakiramdam ko lahat na ng negatibong emosyon ay pumasok sa puso ko at pinagtulungang durugin ito ng unti-unti.

"Eden, hindi ko iniisip yun. Hindi ka baliw, no, kailangan mo lang ng tulong. Please baby, hayaan mong tulungan ka ni ate-"

"Hindi ko kailangan ng tulong!" marahas kong sigaw saka mabilis na tumakbo paalis ng lugar na 'yon.

"Eden!"

Hindi ako tumigil o lumingon man lang nang marinig ko ang pagtawag na yun ni ate. Nakalabas ako ng building, pumili ng kahit anong direksyon at tuloy-tuloy na nagtatakbo. Hindi ko alam ang pupuntahan ko pero ang alam ko lang, kailangan kong makalayo sa lugar na yun.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal tumatakbo. Nang maramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko at panghahapo ay tumigil ako at saglit na umupo sa kalye. Walang masyadong sasakyang dumaraan, sa tingin ko papasok na 'to ng isang subdivision. Hinabol ko ang hininga ko habang nililibot ng tingin ang paligid at nang makita ang isang park di kalayuan sa'kin ay napagpasyahan kong pumunta dun para magpahinga.

Umupo ako sa paanan ng isang malaking puno at sumandal sa katawan nun habang pinapakalma ang paghinga ko at ang malakas na tibok ng puso ko.

Buti na lang at natatakpan ng makakapal na ulap ang araw dahil baka maging daing ako ng wala sa oras. Ang sarap ko pa naman.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at sinubsob ron ang mukha ko at tahimik na umiyak.

Bakit ba baliw ang tingin nilang lahat sa'kin? Hindi naman ako siraulo eh... Wala akong sapak sa utak.

Naalala ko noong una akong inatake ng panic attack ko noong elementary ako. Naalala ko kung paano ako tuksuhing baliw ng mga kaklase ko, naalala ko rin kung paano ako tingnan ng mga magulang nila na parang may nakakahawa akong sakit. May narinig pa nga ako nun na mga magulang na sinasabihan ang mga anak nila na wag lumapit sa'kin dahil baka raw saktan ko sila. Mayroon ring mga magulang na nagdemand sa school na paalisin ako dahil baka maging agresibo raw ako at baka masaktan ko ang mga anak nila.

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now