Fourty Three - (Calvin's Invitation)

5.4K 337 175
                                    

[ Eden. ]

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon ay lunes na naman. Kasalukuyan akong nasa painting class at pinipinta ang isang apple na nasa gitna ng naka-bilog na
mga estudyante. Lahat kami ay kapwa nakasuot ng apron, nakaupo sa isang silya, may canvas sa harapan, at may hawak na paint palette sa isang kamay at paint brush naman sa kabila.

Pero hindi ko magawang maituon ang buo kong atensyon sa pagpipinta dahil may kung anong bumabagabag sa akin ngayon.

Okay, fine. Aaminin ko na. Ang bagay na gumugulo hanggang ngayon sa isipan ko ay yung nangyari noong nakaraang sabado. Ang bilis kasi ng mga pangyayari. Sa gulat ko nga n'on ay mabilis akong gumulong paalis sa ibabaw niya at bumagsak sa sahig. Nauntog pa nga yung ulo ko sa lamesita! Buti hindi ako nabagok, kung hindi ay maagang mawawalan ang mundo ng isang anghel na kagaya ko.

Teehee.

Kidding aside, I don't know what really happened. At that time, we were both stunned silly as we stared stiffly at each other's eyes. Ni hindi ko nga alam kung anong dahilan kung bakit ako natigilan, eh. But...

... that heartbeat.

Honestly, ni hindi ko na-distinguish kung kanino ba ang heartbeat na 'yon. Dikit na dikit kasi ang katawan naming dalawa at masyadong malapit sa isa't-isa kaya hindi ko alam kung ang naramdaman ko bang 'yon ay sa akin o sa kaniya.

Pero... pero bakit nga ba hinahayaan kong guluhin nito ang isipan ko?!

Heartbeat lang 'yon, anak ng teteng. Lahat ng tao ay may heartbeat! Bangkay lang ang hindi tumitibok ang puso.

Pero yung gan'on kalakas at kabilis...?

Aish, simple lang naman ang paliwanag d'on! Siguradong dala lang yun ng gulat, o adrenaline rush dahil sa pang-iinis niya, o dahil sa pagod dahil nga kakatapos ko lang maghugas n'on tapos pinagod niya pa ako sa pag-agaw nung picture frame mula sa kaniya.

Tama. Wala naman akong dapat pag-isipan ng malalim dahil ang nangyaring y'on ay hindi naman dapat binibigyan ng kung ano pang ibang dahilan.

Anong dahilan naman?

Ha? Ah--- basta!

Anak ng... sino ba 'tong nagsasalita sa utak ko?!

Habang inaaway ang sarili sa isipan ko ay bigla akong nakarinig ng malakas na tawa mula sa gilid ko. Agad akong napabaling doon at ngayon lang napansin na lumapit pala yung isa kong kaklase sa tabi ko para tingnan ang ginagawa ko. Pero hindi ko alam kung ano bang pinagtatawanan niya.

Mukhang bumakas naman sa mukha ko ang pagtataka kaya tinuro ng kaklase ko iyong canvas sa harapan ko, hindi pa rin mapigilan ang tawa, at nagsalita, "Tingnan mo yung ginawa mo, bakit nilagyan mo ng mata yung mansanas?"

Huh?

Napakurap ako't dumapo ang tingin sa pinipinta ko. Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang napintahan ko pala ng dalawang pares ng mata 'yong apple, at hindi lang 'yon, kulay green pa!

Holyshit.

Nahatak rin ng malakas na tawa ng nasa gilid ko ang atensyon ng isa ko pang kaklase na babae kaya lumapit rin siya at tiningnan ang gawa ko. Kagaya ng una, natawa rin siya. Tapos ay tumingin sa'kin habang gumuguhit ang isang pilyang ngisi sa mga labi niya.

"Sino naman kaya ang nasa isip mo at naipinta mo 'yan? Hmm, green eyes? Green eyes... Ah! 'Di ba si Ji--"

"Scarlett Johansson!" Malakas na putol ko sa kaniya. "K-Kagabi kasi minarathon ko yung mga movies niya at talagang namangha ako sa kulay ng mga mata niya kaya... kaya ito, hehe. Hindi ko namalayan na naipinta ko na pala."

The School's Fairy | BxBDonde viven las historias. Descúbrelo ahora