Six - (Feisty Kitten)

4.5K 293 9
                                    

Wieeeee~ #444 na tayo sa humor! Love love ♡♡

♡♡♡♡

[ Eden. ]


Nakakainis.

Bakit ganito? Tsk. Hindi ko inaasahan na may isang subject pala ako kung saan kaklase ko ang asungot na si Jiro na 'to. Ang masama pa, ang naupuan kong pwesto ay sa mismong harapan pa nya! Malay ko ba kung anong gawin nyang kalokohan at kababalaghan sa likod ko?! Malakas pa naman ang sapak nya sa utak. Baka mamaya nagdidikit na siya ng papel sa likod ko or worse! Baka maglagay siya ng bubblegum sa buhok ko!

Mapapatay ko talaga sya.

Galawin niya lahat ng parte ng katawan ko, wag lang pinakamamahal kong buhok dahil talagang huhugutin ko ang bituka niya mula sa bunganga niya at gagamitin yun para sakalin siya sa leeg!

Tas tadyakan ko sya ng malupet.

Nakasimangot akong nakaupo sa upuan ko.

Paano ako lilipat nito kung nandito na yung prof?! Nakakainis!

Blag.

Blag.

Blag.

Marahas akong tumingin sa likuran ko para samaan ng tingin ang asungot na feeling hari na nakaupo sa likuran ko. Binigyan niya lang ako ng mapang-asar na ngisi.

"Tigilan mo ang pagsipa sa upuan ko!" Mahinang sigaw ko (meron ba nun?!) sa kanya saka ako muling tumingin sa harapan.

Blag.

Blag.

Muli akong lumingon at pinandilatan siya ng mata. Binigyan niya naman ako ng tingin na nagsasabing 'what-are-you-looking-at' na mas lalo kong ikinaasar. Lalo na at may naglalarong mga ngisi sa labi nya na talaga namang pinpwersa akong sapakin sya sa mukha!

Kalma, Eden.

Blag.

Blag.

Blag.

Blag.

Hindi na 'ko nakatiis at tumayo na 'ko dahilan para mapatigil sa pagsasalita ang prof at mapatingin sa'kin, kahit yung mga kaklase ko nakatingin sa'kin. Um-eksena ka ba naman ng ganon habang discussion, eh di bida ka! Bida ang saya, eh.

Pero mas bida-bida pa rin yung asungot sa likuran ko.

Peste ka, Jiro!

"What is it, Mr. Carillo?" mabuti na lang mabait ang prof. Kung terror yan gaya ni Sir Preggy baka nakasigaw na siya ngayon pa lang. Phew.

Yumuko at maya-maya ay dahan-dahang tumingin sa kanya, teary-eyed. Yeah. I'm using one of my best assets here next to my dimples and gummy smile, which is my eyes! Pity me! Pity this poor thing.

"E-Eh kasi, m-mukhang hindi po ako gusto ng classmate ko na nakaupo sa likuran ko. K-Kanina niya pa po kasi sinisipa yung upuan ko. Pero po para wala nang away, pwede po bang ilipat nyo na lang ako?"

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now