47: The Deal of the Devil

Start from the beginning
                                    

Napahinto si Armida sa paghakbang nang makita ang tatlong nakatayo sa malapit sa pintuan. "What's with the meeting here?" tanong niya sa tatlo.

"Armida . . ." Hindi agad nakasagot si Laby. Si Josef kasi talaga ang pakay niya para sabihin ang tungkol kay Keros at sa prototype.

"Wala siyang bahay," si Sam na ang sumagot at inakbayan si Laby. "Bad guys everywhere."

Tumaas lang ang kilay ni Armida nang lapitan ang asawa niya. "Who are you?" tanong niya kay Sam.

"Weefee. Anytime anywhere, always connected," sagot agad ni Sam. Inalok ang palad niya para makipagkamay habang nakangisi.

Nakipagkamay rin si Armida. Pansin niyang firm ang pagkakahawak nito, kalmado, walang bakas ng paghihigpit. "Another psycho," bati niya rito dahil masyado itong masaya para sa kanya. "Any name aside from Waffles?"

"That's Weefee, madame."

"Ever heard of alliteration, son?"

"Don't call me son, madame. Mukha lang tayong magkaedad."

"Huwag mo 'kong bolahin."

"Anyway, your hand is soft," puna ni Sam sa kamay ni Armida na di pa rin niya binibitiwan. "Surprising. I thought you used it directly to be an Earth's reaper. Wala kang kalyo?"

Binawi na ni Armida ang kamay. "Nasa mukha ng sinasampal ko ang kalyong hinahanap mo. Gusto mong subukan?"

"You're funny, madame." Ngumisi lang si Sam na halatang di marunong sumeryoso ng usapan. "You look young in person! Interested sa beauty regimen. Is that a night cream?"

"Kasama mo?" tanong na lang ni Armida kay Laby dahil ang ingay masyado ni Sam.

"He's Sam Ramos."

"Ah!" Nakitaan ng gulat ang mukha ni Armida nang ibalik ang tingin kay Sam. "Ikaw yung kasama ni Hawkins na nag-propose ng mechanics for Annual Elimination."

"Wow, thank you for acknowledgment, madame," nakangising sinabi ni Sam. "And thank you for your vote." Inilipat ni Sam ang tingin kay Josef na halatang wala sa mood makinig sa usapan nila. Si Josef lang kasi ang hindi bumoto para sa mechanics na gawa niya.

"Ang sipag mong mag-propose ng amendments, di pa kita nakikita sa meetings."

"Busy kami ni Hawkins sa pag-asikaso ng tournament, madame." Itinuro niya si Laby. "Wala siyang bahay ngayon. Nagbabakasakali kaming may libreng bahay rito sa Vale."

Tumango-tango lang si Armida at inilipat ang tingin kay Laby na aburido. Halatang walang gana sa usapan.

"Doon ka muna mag-stay sa bahay, Laby," utos ni Armida kaysa alok. Tiningnan niya rin si Sam. "At ikaw? Wala ka rin bang bahay?"

"Ah! Me?" Itinuro ni Sam ang sarili. "No need, madame." Itinaas niya ang magkabilang kamay para tumanggi. "Busy rin ako sa tournament, sinamahan ko lang siya rito."

"Oh." Tumango naman si Armida sa kanya. "Buti naman, ayaw ng katabi ng mga kotse ko."

"Armida," pigil agad ni Josef. "Patitirahin mo si Laby sa bahay?"

"Bakit? May problema ka?"

"You sure? Sa bahay?" paninigurado ni Josef.

"Kung ayaw mo siyang tumira sa bahay, maghanap ka ng ibang matutulugan mo."

"Armida . . ." pagpigil ni Josef pero tuluyan na talagang lumabas ng opisina ang asawa niya.

At tuloy-tuloy na lumabas si Armida ng admin office.

Secrets of the Malavegas (Book 7)Where stories live. Discover now