23: Alter

7.6K 238 24
                                    

Tuwang-tuwa si Arjo sa bago niyang dress pag-uwi niya sa kanila. Alas-singko pasado na at nasa bahay na sina Zone at Armida.

Naabutan nina Max ang mama nila na nasa sala at may kinakausap sa laptop nito.

Dire-diretso si Arjo sa kuwarto ni Zone para makigamit ng computer nito. Grounded pa rin ang mga gadget niya at isang buwan pa ang aabutin para magkaroon siya ng sariling gadget. Gusto niyang maipamalita sa mga friend niya ang tungkol sa bago niyang damit.

Samantala si Max, hinintay munang matapos ang mama niya bago kausapin. Tumayo lang siya sa likuran ng sofa habang nakaharap sa ina.

"O, may kailangan ka?" tanong ni Armida habang nakatutok pa rin sa laptop.

"Ma . . ." Sandali siyang natigilan. Napahugot muna siya ng hininga at inipon muna ang lahat ng hangin sa bibig. Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba niya o hindi.

"Mmm?" si Armida naman, naghihintay ng sasabihin ng anak.

"Kapag ba may ginawa 'kong hindi n'yo gusto, magagalit ba kayo sa 'kin?" malungkot na tanong ni Max habang nakatungo.

Tumaas naman ang kilay ni Armida sa kilos ng anak niyang panganay.

"Ano'ng ginawa mo? Hindi naman siguro 'yan yung tinutukoy ni Arjo na kinidnap siya."

Nanlaki naman ang mga mata ni Max at gulat na tiningnan ang Mama niyang nakataas ang kilay sa kanya.

"Sinabi ng Papa mo sa 'kin na pinahiram niya yung kotse sa 'yo last Wednesday. Tatanungin sana kita kung bakit hindi ka umuwi no'ng Miyerkules pero nag-explain na ang Papa mo, at kung 'yon ang tinutukoy mo, don't worry dahil okay na 'yon."

Kilay naman ni Max ang tumaas dahil sa sinabi ni Armida.

Ang sabi ng Papa niya noong araw na 'yon, huwag aamin kahit pa pilipitin ni Armida ang leeg niya. Tapos sinabi nito sa Mama niya ang lahat? Magulo ring kausap ang papa niya kung minsan.

Hindi tuloy alam ni Max ang ire-react.

Hindi naman iyon ang gusto niyang sabihin kundi ang tungkol sa blood transfusion, pero wala rin naman siyang balak sabihin ang nangyari kay Arjo noong Wednesday.

"May kailangan ka pa?" tanong ni Armida.

"Ha? Ah—" Napayuko na lang si Max at nahawak sa bridge ng ilong niya. Parang nanlata siya nang di-oras.

"Saan nga pala kayo galing ni Arjo. Mukhang masaya yung kapatid mo a."

Sinulyapan niya sandali ang mama niya at saka siya napabuntonghininga.

Iyon nga sana ang gusto niyang sabihin. Ang kaso, mas mabuting saka na lang niya kakausapin si Armida tungkol sa blood transfusion.

Ngumiti nang pilit si Max at tiningnan ang ina. "Binilhin ko lang siya ng dress na gusto niya."

Kumunot ang noo ni Armida sa sinabi niya. "Binilhan mo? At magkano na naman ang ginastos mo para doon sa damit niya?"

"15."

Napatayo sa kinauupuan niya si Armida at akmang aalis doon. "Nagpabili na 'yon ng tatlo no'ng Sabado, nagpabili na naman ngayon? Ilang beses ba niya kailangang magbihis ng dress sa isang buong linggo?"

"Ma! Hayaan mo na!" Pinigilan siya agad ni Max bago pa makaalis doon. Mamaya ilaglag pa siya ni Arjo dahil doon sa dress.

"Anong hayaan?" tanong ni Armida sa anak. "Max, 'yang kapatid mo, masyadong magastos, ha. Nasasanay na 'yan."

"Hayaan mo na, Ma. Regalo ko 'yon kaya 'wag mo nang isipin," mahinahong sinabi ni Max.

Nagkrus naman ng mga braso si Armida at saka mataray na tiningnan ang anak.

Secrets of the Malavegas (Book 7)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt