24: Master Plan

7.2K 232 15
                                    

Sa bahay ng mga Malavega . . .

"Ate, where's Mama?" inosenteng tanong ni Zone habang kinakain ang ininit na cheesecake na nilagyan ng vanilla ice cream sa itaas. Nagugutom na kasi sila ni Arjo at wala sa kanila ang marunong magluto. Hindi rin naman sila makapagpa-deliver dahil dati pang sinasabi ng mga magulang nila na huwag silang magpapa-deliver dahil delikado.

"Uhm . . ." Kahit nag-aalala, hindi ipinakita ni Arjo sa kapatid na may masamang nangyari sa mama nila. "May pinuntahan lang 'yon saglit, Dae Hyun." Ginulo niya ang buhok ni Zone at pinunasan ang pisngi nitong may ice cream na.

Tok! Tok!

Napatingin si Arjo sa pinto.

"Someone's knocking," sabi ni Zone sabay inom ng chocolate drink niya.

Tiningnan sandali ni Arjo si Zone at saka inilipat ang tingin sa pinto.

Tok! Tok!

"Sino kaya 'yon?" tanong ni Arjo sa kapatid.

"How will you know, Ate? Go to the door and open it," utos ni Zone.

"Psh." Sumimangot lang si Arjo dahil ginagawa siyang engot ng kapatid niyang maliit.

Tumayo na siya para puntahan ang kumakatok.

"'Wag kang aalis diyan a!" masungit niyang utos.

Ngumiti lang si Zone at pinagpatuloy ang pagkain.

Ang sabi ng kuya niya, huwag magpapapasok sa bahay. Kung hindi niya kilala, siguro paalisin na lang niya. Pero paano kung masamang tao pala?

"Teka . . ." Para safe, kinuha niya ang isang display na golden bamboo stick na nakatusok kasama ng living plants nila sa loob ng bahay.

Tok! Tok!

Sinilip niya ang peephole ng pinto.

"Hala! Walang tao pero may kumakatok?" aniya.

Tok! Tok!

Nakasilip pa rin si Arjo pero walang kahit ano roon sa labas kaya sino ang kumakatok?

"Di kaya may multo rito sa lugar na 'to?" curious niyang tanong. Sayang dahil hindi siya takot sa multo. Tinuruan kasi silang matakot sa buhay kaysa sa patay. Tinanggal na niya ang lock at saka binuksan ang pinto.

"Hoy! Lakas ng trip n'yo a! Sino ba—"

Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang nasa tapat ng pinto nila.

"Aaaaaahh!"



***



"Kaya mong tumayo?" tanong ni Rayson kay Max habang inaakay ito. Naririnig niya ang bilis ng paghinga ni Max. Nahahawakan niya sa kaliwang braso nito ang dugong tumulo mula sa nasugatan nitong braso.

"Si . . . Mama . . ." mahinang tanong ni Max habang iniinda ang sakit ng katawan niya.

"Nilipat na siya ng papa mo sa ibang kuwarto. Mas mabuting 'wag ka munang pupunta roon," paalala ni Rayson.

Inilabas na ni Rayson si Max sa operating room at idiniretso niya sa malaking ward kung saan maraming mga pasyenteng inaasikaso.

Tinawag niya agad ang ilang nurse para tulungan silang asikasuhin si Max.

Kailangang gamutin ang mga sugat nito sa leeg, hiwa sa kaliwang braso, at ilang galos sa mukha at katawan.

Pinaupo muna si Max sa isang hospital bed at inisa-isa ang lahat ng tama niya.

Secrets of the Malavegas (Book 7)Where stories live. Discover now