47: The Deal of the Devil

5.3K 215 14
                                    

Sa old version, ito yung chapter na masakit sa utak. Sana di na ito gaano kasakit sa utak ngayon hahahaha

------




Naka-report sa admin office na may naghahanap kay Erajin Hill-Miller. Ang sabi naman ng admin assistant sa opisina, may kausap ang chairperson sa mga sandaling iyon kaya kailangang maghintay hanggang matapos. Alas-dose pasado na at nasa admin office pa rin sina Laby at Sam. Nakailang ungot na nga ang lalaki dahil nagugutom na siya.

Malamig sa receiving area ng admin office, isang gray metal table lang ang naroon sa dulo kung nasaan ang mesa ng assistant na kasalukuyang nagsasalansan ng mga folder. Katapat ang pinto ng opisina ng executives. Nakapagitan ang isang malaking vase na may halaman sa dingding na katabi ng glass door at ang gray couch kung saan nakaupo ang dalawa.

"Tingin mo ba, ilalabas na ng Fuhrer ang prototype?" tanong ni Sam na kuko na sa hinlalato ang nginangata dahil kain na kain na siya.

"Kailangan niyang ilabas ang prototype kung ayaw niyang mamatay na lang na walang nakakakita r'on," seryosong sinabi ni Laby at bahagyang kinakapa ang balikat niyang kumikirot na naman. Napupuwersa ang katawan niya dahil sa tama ng bala. Kapag napapahinga siya, lalo niyang nararamdaman ang sakit.

"Di ba sila mag-aaway ng anak ni Cas n'on? Ang alam kasi n'ong assassin, pinatay niya yung bata, di ba?"

"Malamang na pag-aawayan nila 'yan. Isang dekada niyang itinago si Ana."

"Pero kung ako siya, malamang na gano'n ang gagawin ko," sagot ni Sam at humilig ng upo paharap kay Laby sa kaliwa. "Delikado yung prototype. Parang character sa game, may psionic blast power hahaha!"

Imbis na matawa, lalong sumama ang tingin ni Laby kay Sam. "That kid overload someone's mind until the brain explodes into grind meat. She can control almost everything. Kung gagawin 'yon sa asawa niya, natural lang ilalayo niya 'yon. What's funny about that?"

"Nothing," natatawa pa ring sinabi ni Sam. "Kaya siguro hindi ka pa pinapatay ng Citadel, napapakinabangan nila yung mga laruan mo."

"Hindi sila laruan," inis niyang sinabi kay Sam.

"Ah! Oo nga pala. Anak pala sila n'ong mag-asawa hahaha!" Lumakas pa ang tawa ni Sam dahilan para mapatingin sa kanya ang admin assistant na nagtatrabaho sa dulo. "Pero magandang front na akala ni Havenstein, yung batang lalaki ang anak niya. Hindi niya hahabulin yung prototype sa Fuhrer." Napauslyap siya sa direksiyon ng pinto at nakita mula sa glass door ang papasok sa admin office. "Speak of the devil. Here comes the guardian angel of hell."

Napalingon sa likuran niya si Laby at napatayo agad pagbukas na pagbukas ng glass door. "Josef," pambungad na pambungad niya pagtapak nito sa loob.

Napakaseryoso ng mukha ni Josef nang tingnan si Laby, kasunod ang lalaki sa likuran nito. "Tell me, this is not another bad news," sagot ni Josef.

"Josef, alam na nina Keros na nandito sa HMU ang prototype."

"Alam ko ring hindi ka nandito para kunin siya," sagot agad ni Josef. "Hindi sila puwedeng magkita ni Armida. Kokontrolin niya ang asawa ko para patayin tayong lahat. Alam na niya kung paano lalabas sa pinagtaguan ko sa kanya."

"Whoah!" Napaatras agad si Sam at napandilatan si Josef. "You better kill her. Like, right now."

Puno ng pangunguwestiyon ang tingin ni Laby nang tingnan si Sam. "What the fuck are you saying, Sam?"

Ilang saglit pa, bumukas ang pinto na katapat ng mesa ng admin assistant. Lumabas doon si Armida na seryosong-seryoso ang mukha. Kasunod niya ang president ng HMU at isa pang lalaki.

Secrets of the Malavegas (Book 7)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu