Ang masakit lang sa panig niya, pinaniwala siya at binuhay siya sa isang normal na pagtrato sa mga kapatid niya kahit na hindi ito mga normal kung tutuusin.

Paano niya poprotektahan ang mga ito kung ang tanging alam lang niya ay kailangan lang itong protektahan?

Napupuno siya ng bakit at paano. At hindi rin sumasagot sa kanya ang mama at papa niya.

"Ma, tell me, kukunin ba nila sina Arjo at Zone?" iyon na lang ang naitanong ni Max sa ina.

Hindi nakaimik si Armida. Tiningnan lang niya ang anak na parang naaawa siya rito.

"So it's a yes. They're gonna take them soon." Napatango-tango na lang si Max at sobrang nadismaya sa nalaman. "This is disappointing, Ma. I'm disappointed in you." Tumayo na si Max sa kinauupuan at akmang aakyat na ulit.

"Max, I prepared you since you were a kid for this moment," ani Armida na diretso lang ang tingin sa harapan. "This is your destiny."

"Ma, hindi ang lugar na 'yon ang gagawa ng kapalaran ko. At hindi ako papayag na kunin ng Citadel ang mga kapatid ko pati kayo ni Papa."



****



Alas-onse y medya ng gabi. Nakaupo si Laby sa isang upuan sa maliit niyang mesa. Nakatulala lang siya habang hawak ang isang can ng beer. Pinakikiramdam ang bisita niya sa gabing iyon.

"Alam ni King na nandito ka?" tanong ni Laby sa lalaking nakabalagbag ng higa sa kama niya.

"Kung maingay ang Decurion niya, malamang na alam na niya ngayon." Bumangon ito at kinuha ang ang beer sa nightstand. Uminom siya nang kaunti at nilibot ng tingin ang buong kuwarto ni Laby na madilim na sa mga sandaling iyon dahil masyadong dim ang ilaw sa lamp shade na tanging nakabukas bilang liwanag. "Wala rin namang mangyayari kung malalaman niyang nandito ako."

"Ano ba talagang pakay mo rito?" Tiningnan ni Laby ang kausap na papalapit sa kanya. "Yung prototype? Yung bioweapon? Yung regenerator?"

Isang mapang-asar na ngisi ang ibinigay nito sa kanya. "Depende sa sitwasyon." Inilapag niya sa mesa ang beer at umupo sa isang upuang nandoon saka nangalumbaba. "I'm here because of what happened. Ipapaalala ko lang sa 'yo, hindi ka bakal. Mas mahalaga pa ba ang chamber na 'yon kaysa sa sarili mo?"

Sinalubong ni Laby ang tingin ng lalaking iyon. Mas lalong nagiging mapanganib sa paningin ang mga mata nitong para bang napakalalim kung titingnan. Animo'y apoy ang maliit na liwanag sa balintataw nito ang ilaw ng lampshade. Bumaba ang tingin niya sa ngiti nito. Nagkaroon ng malalim na guhit ang pisngi nito, katabi ng dulo ng manipis na labi. Nagpakita ang ngipin nitong masyadong malaki ang unang apat sa harapan at may mahabang pangil sa kanan na hindi naman pumantay sa haba ng kaliwa.

"Buhay ko ang chamber na 'yon," paliwanag ni Laby. "'Wag ka na lang magsalita dahil wala kang alam."

"Talagang kakalabanin mo si Keros pagdating dito? Hahaha!" Natawa na lang siya at ininuman uli ang beer. "By the way, missing pa rin ang prototype. I heard, nagpadala ng breacher si Keros para sa PZ02. Did you know that?"

Kumunot ang noo ni Laby at napaayos ng upo. "Ano? Kailan?"

Nagkibit-balikat ang lalaki dahil malay niya naman talaga. "King is after PZ02. Keros is after the prototype. Of course, Keros will do anything to cut the connection of the prototype from it's other body."

Napatayo agad si Laby at kinuha sa nightstand ang phone niya. "Haay! Uhmp!" Isang malakas na sipa ang ibinigay niya sa lalaki. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa 'kin!"

Secrets of the Malavegas (Book 7)Where stories live. Discover now