Thirty Nine - (Suspicion)

Start from the beginning
                                    

Napakurap ako. Gusto kong sabihin na sinusubukan nang magbagong buhay ni Jiro pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka paghinalaan nila ako 'no! Sigurado akong magtataka sila. Ang tindi pa naman ng mga nakaraang pagtatalo namin ni Jiro, tapos ngayon bigla na lang akong kakampi sa kanya? No wayyy. Isa pa hindi rin naman talaga ako magpapaturo sa kanya kahit siya pa ang pinakamagaling pagdating sa history dito sa buong school.

At saka alam kong hindi rin 'yun papayag, 'no.

Tumango si Selena na kumakain ng chips. "Yeah. Mabuting 'wag niyo nang balakin."

Napakamot naman ng ulo si Oreo. "Eh, pero totoo naman na magaling si Jiro sa history." Sabi niya.

"Totoo ba?" May doubt kong tanong. Kasi sa mga nababasa ko dati sa libro, kadalasan sa mga badboy at playboy na katulad ni Jiro ay pabaya sa pag-aaral! Kaya nga hindi ko alam kung bakit yung mga ganung klaseng lalaki ang gustong-gusto ng mga girls. Mas masarap magmahal ng good boy 'no. Gaya ko!

Sabay-sabay na tumango sila bilang tugon sa tanong ko. Oo nga pala, magkaka-schoolmate rin sila noong highschool.

Sumagot si Francy, "Totoo 'yun. Kahit basagulero at gago 'yung Jiro na 'yun, alam mo bang first honor siya nung highschool? Marami siyang awards, isa na nga d'un ay yung best in history. Narinig ko rin from his fangirls slash stalkers na mahilig rin talaga magbasa ang lolo mo. Unexpected 'no?"

Unexpected, indeed. Seriously, hindi ako makapaniwala!

Pero naalala ko na sinabi rin nila sa'kin na never um-absent si Jiro nang walang valid or maayos na reason. Once in a blue moon lang rin siyang ma-late sa klase. Siguro nga kahit ganun ang ugali niya ay sineseryoso niya pa rin ang pag-aaral. Infairness, ang alam ko dagdag pogi points rin yun sa mga babae!

Sa isipin na yun ay napatingin ako kay Selena. Sakto namang napatingin rin siya sa'kin at nagkasalubong ang mga mata namin. Then, she smiled.

Hello, 911? Meron pong magnanakaw dito. Magnanakaw ng puso!

"How about magkaroon na lang tayo ng group study?" Suggest niya habang nakangiti sa'kin. Bumalik naman ako sa ulirat dahil sa sinabi niya at nagliwanag ang mukha ko.

Tama! Mas masaya kung group study! The more the merrier ika nga nila.

Tumingin ako sa iba pa para malaman kung anong opinyon nila. Nang makitang tumango at sumang-ayon sila ay mas lumawak ang ngiti ko!

Yehey! First time ko mag-group study with friends. Iku-kwento ko 'to mamaya kay Mom!

Saka mas gusto ko 'yun kaysa sa ideyang sumagi sa isip ko na magpaturo na lang kay Ate Edelle. Busy rin kasi 'yun dahil nga graduating na siya at ayaw ko namang maabala sya at dumagdag pa sa mga kailangan niyang asikasuhin.

Nagpatuloy pa kami sa kuwentuhan nang may isang lalaking lumitaw sa tabi ng table namin. Napatigil kaming lima at napatingin sa kanya. Napatingala, rather, dahil isa syang malaking damulag!

Sino pa nga ba ang tinutukoy ko? Syempre si Jiro! Meron siyang dalang paper bag sa isang kamay niya. Pagkatapos yata ng lesson 101 namin kanina ay dumiretso siya sa kung saan para bumili ng something para kay Selena.

Naks, ang sweet 'no?

Sana all.

"Anong ginagawa mo rito?" Nakakunot ang noong tanong ni Selena.

Hindi naman iyon sinagot ni Jiro at imbes ay nilapag ang dala niya sa harapan ni Selena. "Here."

Napatingin d'on si Selena. "Ano naman 'to?"

"A gift." Simpleng sagot ni Jiro. Napakurap naman si Selena. Nakita ko siyang bumuntong hininga at tiningala ulit si Jiro.

"Hindi ko naman birthday."

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now