Thirty Eight - (First Lesson)

Start from the beginning
                                    

Selena naman, eh! Ginugulo mo ang sistema ko! Very wrong ka. Very wrong!

Sabi ko na lang, "Pero sigurado akong makaka-meet ka ng lalaking iba sa iniisip mo." Si Jiro. "Kung ise-set aside mo yung galit mo, makikita mo na ang mga lalaki ay may iba't ibang ugali at pananaw sa buhay. Kasi hindi naman kam--- sila, talaga, pare-pareho, eh. Sigurado akong makakakilala ka rin ng lalaking makakapagpabago ng kung ano ang tingin mo sa kanila."

"Mm. Then I'll be looking forward to that." She smacked her lips before flashing me a pretty smile.

Oh damn. Pwedeng mag-volunteer?

Nakarating kami sa student's lobby at bumili ng inumin sa vending machine. Pareho kaming strawberry milk ang binili, couple goals lang ang peg! Teehee. Umupo kami sa bakanteng upuan d'on at agad naman na kinuha ni Selena ang isang notebook sa bag nya at nagsimula nang gawin ang assignment nya na di raw nya natapos kagabi kasi inantok na sya.

Napaisip ako habang kinakagat-kagat ang straw at pinapanuod si Selena. Ilang sandali ay naisipan kong isatinig na ang gumugulo sa isip ko. "Selena."

"Hmm?" Saglit nyang inangat ang tingin para tumugon.

"Kapag nalaman mo na yung isang kaibigan mo, nagsisinungaling pala tungkol sa pagkatao nya. Yun bang nilapitan ka nya habang nakatago sa isang disguise kasi gusto nyang mapalapit sa'yo. Anong mararamdaman mo?"

Yun na talaga ang gumugulo sa isipan ko pagtapos kong mahimasmasan sa kahibangan ko. Sa totoo lang kasi talaga, natatakot akong umamin at mabuko sa pagpapanggap ko. Natatakot ako na layuan nila ako. Ang coward ko 'di ba? Sorry naman. Tao rin ako 'no! Mukha nga lang anghel.

Napaisip naman si Selena. Maya-maya ay binaba niya ang ballpen nya at tumingin sa'kin. "Kung meron man, siguradong makakaramdam ako ng galit. Frankly speaking, I would feel betrayed, if ever meron talaga. Ang ayoko kasi sa lahat ay yung nagsisinungaling sa'kin. Kung gusto nyang makipagkaibigan, bakit kailangan nyang magpanggap? Siguradong hindi maganda ang intensyon nya kung kailangan nya pang itago ang sarili nya sa likod ng isang disguise. Ang gusto ko sa kaibigan ay yung totoo at tapat, hindi lang sa'kin kundi pati na rin sa sarili nya."

"Eh..." Pinaglaruan ko ang straw ng inumin ko at muling nagsalita. "Paano kung ginawa lang naman nya 'yon kasi baka hindi mo sya tanggapin... na baka kasi yun lang ang tanging way para maging kaibigan ka nya?"

Nakita kong pinaglaruan nya ang dila niya bago kunot ang noong sumagot, "Bakit naman hindi ko sya tatanggapin? May kasalanan ba sya? Alam mo hindi naman ako tumitingin sa anyo o sa nakaraan ng isang tao. Kung totoong gusto niyang tanggapin ko siya, dapat tanggapin niya rin muna ang sarili niya. At yun ay mas effective na way kaysa sa ano mang pagpapanggap." Kinuha niya ulit ang ballpen nya at takang tumingin sa'kin. "Bakit mo nga pala natanong 'yan?"

Bigla akong kinabahan.

"H-Ha? Ah--"

"Meron ka bang kaibigan na ganyan?"

Mabilis akong umiling. "Hindi, wala. Ano lang, nabasa ko lang sa internet at gusto ko lang rin marinig ang opinyon mo." Palusot ko habang nagkakamot ng pisngi.

Napatango naman siya. "Ah..."

Ngumiti na lang ako at muling nilagay ang straw ng inumin ko sa aking bibig, di na nagsalita pa at pinanuod na lang si Selena sa ginagawa niya.

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now