Nagbihis na ako ng pambahay na damit at nagluto rin ng pwede kong makain habang nanunood ng movie. I am currently watching a movie on our sala when my phone rang. Unknown number iyon. Siguro ito na ‘yong magulang ng itu-tutor ko.

“Hello, is this Miss Spica Padilla?” A voice of a man welcomed me. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

“Speaking.”

“Oh, Danica gave me your number, I suppose she already told you about tutoring my son?” Ah, lalaki pala ang itu-tutor ko. Nakipag-usap pa ako sa tatay ng tutee ko.

We discussed about my working hours and ofcourse, my salary. Dahil nga five days lang naman akong magtu-tutor ay kasya lang ang maisasahod ko kung sakali sa isang bill dito sa bahay. Medyo sobra pa nga dahil hati kami ni Fita sa pagbabayad ng bills.

I agreed to the terms kasi hindi naman siya mahirap kausap. Ibinigay niya rin saakin ang address ng condo nila sa BGC kung saan ko itu-tutor ang anak niya.  Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Sir Conrad—ang tatay ng tutee ko, bago ko ibinaba ang tawag.

KINABUKASAN ay alas-otso ako gumising para maglinis muna ng condo. Ten AM to three PM ang usapan namin ni Sir Conrad na study time ni Archie—ang tutee ko.

After cleaning, nagluto na ako ng pagkain ko at kumain na. Nine-thirty nang matapos ako mag ayos. I wore a denim jeans and black Metallica shirt. May dala rin akong tumbler, pens and pencils, post-it notes at maliit na notebook. Inilagay ko ito sa backpack ko. Nag-commute nalang ako papunta sa BGC.

Nang makarating ako sa tower ay nahalata ko agad na pang-yamings ito. Halatang mayayaman ang nakatira. Mayaman kaya sina Sir Conrad? Malamang ay oo. Kung na-afford nila na tumira sa ganitong tower ay siguradong mayaman sila.

Tapos nag-hire pa sila ng tutor ng anak nila bago magsimula ang pasukan. Aba, sino naman gagawa niyan ‘di ba? Syempre mga mayayaman lang. First world problems again.

Nag-door bell ako nang makarating ako sa room number na ibinigay saakin. Bumungad saakin ang babaeng mukhang mas matanda ng ilang taon saakin. She smiled at me so I smiled too.

“Hi! You must be Spica?” nang tumango ako ay nilakihan niya ang awing ng pinto oara makpasok ako. My eyes roamed around the unit. Malaki ito. Walang-wala ang condo naming ni Spica compared to this.

Malaki ang living room nila, pati na rin ang komedor at kusina. At may second floor! Yamings talaga ‘tong nakuha kong client. Masyadong bongga ang unit!

“Luis Archie, come here!” Sigaw ng babae pagkapasok namin. May narinig naman akong mga yabag pababa ng hagdan. I looked at it and saw a boy around six years old, running down the stairs. Medyo chubby ito at medyo mahaba rin ang buhok. This must be Archie.

“This is Ate Spica, she will be your study buddy this week. Be nice.” Pagkausap ng babae do’n sa batang lalaki. Ngayon ko lang napansin na magkahawig sila. Maybe they’re siblings?

“Hi Ate Spica. I’m Archie, I’ll be nice po, I promise!” Natawa ako sa sinabi ng bata. Masyadong siyang cute! I piched his cheek and I lowered my body para magka-level na kami.

“Hi Archie, I’m Ate Spica.” To my surprise, Archie hugged me. The girl apologetically smiled at me.

“Sorry Spica. Ganyan talaga yang si Archie eh, masyadong sweet,” I smiled at her. Understanding the situation. “By the way, I’m Lilac, Archie’s sister.” I stilled when I heard her name. Lilac? Saan ko ba narinig yang pangalan na ‘yan? It seems familiar.

Pagkatapos naming magpakilala sa isa’t isa ay iginaya kami ni Lilac sa sala. Mas gusto raw kasi ni Archie na mag-aral sa sala. Ayaw daw nito sa study room dahil nakakalula daw ang mga libro. Oh ‘di ba, ang bonnga, may pa-study room.

War in KatipunanWhere stories live. Discover now