"Y-yes but————"

"I'll take that as your answer, no more buts" napaawang na lang ang labi ko sa kawalang magawa, naperessure kase ako sa tuwing kakausapin o tatanungin niya ako

"Pero Sir————"

"Silly. Eda. I chose you because I trust you" muli akong natigilan sa sinabi nya. May kung anong kumislot sa puso ko. Lalo akong naistatwa sa kinauupuan ko dahil di man lang nya inalis ang tingin sakin.

'Juice colored Eda. Tinawag ka lang sa pangalan mo bakit ganito ang nararamdaman ko? Silly? Luh silly daw oh, akala ko pa naman yung maanghang'

Di na ako nakapagsalita at nanatiling nakayuko na lang. Di ko kayang salubungin ang mga mata niya.

"One more thing" pahabol pa nito kaya umangat ang tingin ko sa kaniya "I'll be your mentor, so expect na palagi tayong magkasama————"

"Po?!" gulat ko na namang sabi at napatayo na naman sa kinauupuan, para bang sa reaksyon ko na yun ay ayaw ko syang maging mentor ko.

Dahil sa naging reaksyon ko ay nangunot na naman ang nuo niya kaya napakamot na naman ako ng ulo bago naupo ulit

"May reklamo?" kunot nuo nitong sabi kaya naplunok ako na halos manuyo na ang lalamunan ko. Iba kase ang dating niya sa tuwing mangungunot ang nuo. Lalong gumagwapo———este sumusungit pala

"Hindi naman sa ganon Sir pero..... Bakit ikaw?.... I-I mean don't get me wrong Sir pero————"

"What do you expect? I'm a math teacher. I'm also your adviser. Expected na yun na ako ang magiging mentor mo" sa sinabi niya ay naitikom ko na lang ang bibig ko. Dahil di na yata ako mananalo sa kanya.

'Pero bakit sya? Marami namang math teachers dito———'

Natigil ako sa pagkausap sa sariling isip ng tumayo sya sa kinauupuan kaya nagumpisa na naman akong kabahan habang sinusundan sya ng tingin

Naglakad sya papalapit sakin, aatras sana ako sa kinauupuan kaso walang gulong tong inuupuan ko dahil single couch ito. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng sumandal lang sya sa mesa niya sabay halukipkip at bumaba ang tingin sakin habang nakatingala ako sa kanya.

"Answer me" aniya, nadagdagan ang kaba ko sabay lunok.

"Do you want me to be your mentor?" napamaang na lang ako sa tanong niya. Di ako makasagot.

"A-ah.. Eh.... Ano kase eh.... Ahm" yun lang ang lumalabas sa bibig ko habang panay ang kamot sa ulo. May kuto nga siguro ako.

"Yes or no?"

Lunok.

"A-ano kase Sir————"

"Yes or no?"

"G-ganito kase yun Sir————"

"Yes or no————" sya naman ang natigilan ng

"Oo Sir. Oo na. Gusto ko po Sir. Gusto kita!" wala sa sarili kong nasabi dahil sa pagkataranta. Pareho kaming natigilan sa nasabi ko, parang doble meaning yun.

Nahagip ko na lang ang hininga ko sabay yukong napaiwas ng tingin at napakagat ng labi dahil naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako umaaktong ganito sa harap niya.

"You... Like me?" otomatiko akong napaangat ng tingin na di ko na sana ginawa dahil halos maduling ako sa lapit ng mukha niya habang nakahalukipkip parin sya, otomatiko akong napasandal sa kinauupuan para malayo ang mukha ko sa kanya pero malapit parin

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now