Chapter 52

209 19 13
                                    

Para akong nakalutang sa ere habang paulit-ulit kong naaalala ang mga nangyari.

Daig ko pa ang siraulo dito na hinahampas ang unan at impit na napapatili sabay parang sundalo na gumugulong-gulong. Gumapang pa dito sa kama na para bang umiilag sa bala, may pagkakataon ring nakikipagwrestling ako sa unan ko o kaya naman ay gagawing salbabida ito. Sabog lang ang peg.

Nagmumukha rin akong timang, paano ba naman kase nakangisi ako na parang sira habang nage-impake ako kanina para sa swimming namin ng banda.

Naiirita na ako kakaayos ng sariling buhok ko ngayon, nagsearch pa ako sa YouTube kung anu-ano ang mga magagandang hairstyle dahil sa hindi ako palaayos, ayan tuloy natatagalan ako dito.

Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa kung practice lang naman namin sa graduation ngayon, isa pa hindi naman ako ganito dati.

Sinubukan kong maglagay ng headband "Ay leche! Ang pangit 'di bagay mukha kang tanga, Eda" nakasimangot kong tinanggal ang headband na sinuot saka ako napakamot ng ulo.

'Bakit ba ako nag-aayos? Anong okasyon Eda? Tch, hindi naman mababago ang mukha ko kaya inaaksaya ko lang ang oras ko dito'

Inilugay ko na lang ang buhok ko, inayos ang bangs matapos magsuklay ay inayos rin ang salamin na suot. Naglagay pa ako ng kaunting pulbos para fresh tignan kahit sabog parati.

Nasa school na ako at katext ko ang banda kung nasaan na sila para daw sabay na naman kami papunta sa stage na pagpapractice-an namin mamaya.

Habang nasa rehearsal kami ay napapansin ko, kami lang yata ang maingay na grupo dahil sa pagiging loko-loko ng mga ito. Magkakatabi pa ang ilan sa amin dahil sa may mga honors din ang ilan gaya ko, kaya hindi maiwasan ang asaran at daldalan.

Nangunguna kaming dalawa ni Vien na kulang na lang ay magsuntukan sa asaran. Kahit gaano sila kayayaman ay may ilang teachers na nagawa kaming bawalan sa kaingayan namin. Ikinahinga ko ng maluwag nang hindi nila sinagot-sagot ang teacher na nagbabawal dahil kung gagawin nila iyon paniguradong gulo ito, mga bad boys kase ang peg.

Natapos ang rehearsal namin para sa graduation at ngayon ay pauwi na kami. Hinatid ako ng banda sa bahay saka nagpaalam sa isa't-isa.

"Babye mga pangit!" kumakaway ko pang paalam sa kanila dahilan para lingunin nila ako ng halos sabay, nagkan'ya-kan'ya ng reaksyon.

"Wow! Ang ganda mo po!" napakasarkastikong pasigaw na ani Vien dahil nasa may kotse na sila habang ako ay nasa may pinto ng bahay. Nginisihan ko sila sabay lagitik ng buhok ko.

Pagsara na pagsara ko ng pinto ay sinayan n'yon agad nang may kumatok dito. Napabuntong hininga ako na may naboboring na itsurang binuksan ulit ang pinto sa pag-aakalang ang banda iyon.

Ngunit, sa isang kisap mata ko ay namukhaan ko agad kung sino ang kumatok matapos ko iyong buksan. Kaagad nagbago ang tamad kong itsura kanina. Napatayo ako ng tuwid na nagmistulang sundalo, kulang na lang magsaludo sa pagkakatuwid ng tayo ko.

Tanging ngiti lang ang nagawa ko dahil hindi ko alam ang unang sasabihin, kamakabog ng mabilis ang puso ko sa pagsulpot bigla ng presensya niya.

Habang nakatingin sa kan'ya ay ito na naman ang napapansin ko nung araw na may nangyari sa amin doon sa building, para kase s'yang namumutla. Hindi porke bampira s'ya ay normal na ang pamumutla n'ya pero ibang-iba kase ngayon. Para bang may sakit.

Pinilit kong burahin sa isip ko kung ano man iyon dahil napakaimposibleng dapuhan siya ng sakit kung hindi naman s'ya tao.

"Ah.. eh.. Good afternoon po.. Lovier" kulang na lang ay ibulong ko na iyon sa pagkakasabi.

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now