Chapter 24

225 24 16
                                    

Nakabusangot lang ako sa kawalan. Paano ba naman kase nagpumilit talaga ang mokong na dalhin ako sa hospital. Pwede ko nga itong magamot mag-isa, sayang lang ang perang magagastos.

Umalis na si Sir Cafaro kanina lang. Di man lang sinabi na aalis na talaga siya. Di man lang yata ako nakapagpasalamat.

Napapatiim bagang ako sa sakit na nararamdaman ko sa paa ko. May kung ano anong nilagay na bagay sa paa ko ang doktor.

Pina x-ray din ako kanina. Wala naman nakitang damage sa buto ko, nabugbog lang sa pagkabagsak ko pero di naman gaanong malala, yun nga lang kailangan ng ilang araw para tuluyan itong gumaling lalo na sa may paa ko.

"She's fine now.." pagkausap ng doktor kay Blake.

Nasabi nito na kailangan ko pang manatili ng ilang araw dito pero di naman gaanong kalala ito kaya pwede na rin akong makauwi mamaya kung gugustuhin namin.

Nagtataka ako sa pinagsasabi ng doktor. Paano kase, kailan pa naging ok ang ganiti ka sakit kanina?

'Guni guni ko lang ba yung sobrang sakit ng paa at likod ko? Hayss, tama na nga Eda, tinatakot mo lang lalo ang sarili mo sa mga wirdong nangyayari'

Sa pag-alis ng doktor ay eksakto namang pagpasok ni Patrick na inutusan ni Blake kanina ng makakain.

May bitbit na itong plastic bag. Mas inuna pa akong asikasuhin ni Blake na hinandaan ng pagkain, halos puro prutas at gulay ang nakahanda sa wooden tray ang nasa harapan ko.

"Hmm" pagabot pa n'ya sakin na itinapan ang may lamang pagkain na kutsara sa bibig ko.

Napataas ang isang kilay ko.

"Paa lang ang na injured sakin hindi ang kamay ko kaya akin na 'yan" pagbawi ko sa kusara na hawak n'ya.

Magsasalita pa sana s'ya ng pangunahan ko s'ya "Kumain ka na d'yan, di ako bata para subuan mo" dagdag ko pa bago sumubo ng pagkain.

"Tch. Di lang bata ang sinusubuan ng mga lalaki" mahina pa n'yang ani, di ko alam kung bulong pa ba 'yon.

Ang tanging alam ko lang, biglang dumumi ang utak ko sa sinabi n'ya.

Nag-umpisa na kaming kumain na sinabayan nila ako dito tutal nasa private room naman kami, kung anak mayayaman ba naman ang mga kasama mo paniguradong espesyal ang kwartong makukuha mo.

Tungkol naman sa kinagugulat at pinagtataka kong ilang araw akong 'di pumasok ay idinahilan ko na lang na masama ang pakiramdam ko kahit takang taka na ako. Di naman kase ako pala absent in one week!

Panay ang tanong nila kung ano ang buong nangyari at kung bakit naroon si Sir Cafaro. Kinwento ko lang kung ano ang sinabi ko kay Blake, wala ng iba.

Ang ilan sa mga tanong nila ay kaagad kong iniiba ang usapan, paniguradong pagtatawanan ako ng mga ito kung sasabihin ko ang mga kakaibang nangyayari at napapaginipan ko.

Ilang araw na ang lumipas magmula nung magkasprain ako. Sinubukan kong pumasok sa skwelahan pero panay ang pagsaway sakin ni Blake, daig pa ang tatay sa t'wing bibisita na lang s'ya ng basta sa bahay.

Ayaw n'ya akong papasukin sa school dahil kailangan ko raw magpahinga. Araw araw s'yang bumibisita para hatiran ako ng mga notes sa mga na miss ko ng mga lessons.

Talagang tuturuan n'ya pa ako kung may di ako naintindihan pero minsan ay nakakalimot s'ya sa ibang lessons kaya ako mismo ang nagtuturo kahit di pa ako nakakapasok sa school, madadali lang naman ang mga lessons para sakin. Ewan ko lang sa iba.

May pagkakataon pang palagi s'yang may dalang pagkain at sabay kaming kumakain.

Nakakaramdam na rin ako ng hiya dahil pati ang paghugas ng plato at pagligpit sa bahay ay s'ya na rin ang gumagawa, basta lang daw di ko ma missed ang mga lessons at may maisagot rin pagdating ng exams, lalo pa at nalalapit na rin ang math contest. Alam n'ya sigurong, ganon ko pinapahalagahan ang pag-aaral.

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now