Special Chapter

215 23 4
                                    

Walang book 2 kaya ito na lang dude.

______________

Abala ako sa pagkalabit ng keys sa keyboard ng grand piano na kaharap ko.

Kung anu-ano na lang ang tinutugtog ko dahil hindi ko makuha ang tamang nota sa kanta. Pakiramdam ko kase ay libangan ko ng tumugtog nito kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin nababalik ang aking memorya.

Wala akong maalala na may pamilya ako na may apilyedong Gaviola tulad ng sabi nila Mommy, ang pamilyang Garcia na kumupkop sa akin. Nalaman daw nila iyon mula sa doktor na nagligtas daw sa akin mula sa isang car accident na naging doktor ko na rin hanggang ngayon, kahit naka discharge na ako sa ospital.

Hindi nagkulang sila Mommy at Daddy sa akin na tinuring ko ng bagong pamilya sa lumipas na tatlong taon. Binihisan, inalagaan at binilhan ng mga magagarang gamit at damit tulad na lang ng sarili ko ng grand piano.

Pinag-aral nila ako sa panibagong paaralan at ngayon ay civil engineering ang kinukuha kong kurso. Dagdag nga pala, hindi ko alam kung bakit sinasabi nila Mommy na magaling daw ako sa matematika gayong para sa akin ay madali lang naman talaga ang subject na 'yun.

Tungkol pala sa doktor na si Sir Cafaro, hindi ko alam kung bakit parang alam na alam niya pa ang buong pagkatao ko kaysa sa pamilyang nag-alaga sa akin. Ang weird ni doc minsan.

Napapansin ko na sa tindig niya pa lang ay ang cold at seryoso ng personality niya lalo na kapag nakikipag-usap sa mga foster parents ko ang pormal niya, pero kapag ako na ang kinakausap nakangiti naman siya na parang kaclose ko lang.

Kaya ang gaan na lang ng loob kong makipag-usap kahit ang tipid niyang magsalita, bilang lang sa mga daliri ang mga words, leche flan na 'yan. Minsan naman ang hirap niyang intindihin, Italyano pa yata ang lahi niya, minsan kase ibang language ang ginagamit niya sa t'wing sasagutin ako, para bang sumasagot nga siya sa tanong ko pero ayaw niyang ipaalam anong sinabi niya. Nagmumukha tuloy akong tangengot, leche flan lang.

No'ng isang araw naman ay napaginipan ko na yata siya, hindi ko alam kung panaginip lang ba 'yun para kaseng totoo. May time na napapaginipan ko siyang nakasindig sa gilid ng bintana sa madilim na kwarto ko. Nakapamulsa lang na para bang binabantayan ako sa pagtulog ko kahit aaminin kong may oras na hindi talaga ako nakakatulog.

As in, minsan nga whole week ay wala akong tulog. Minsan naman ay sinusuka ko ang mga kinakain ko, parang mas gusto ko pang kumain ng hilaw na karne kaysa sa luto. Kaya hindi maiwasan nila mom at dad na mag-alala kaya rin may doktor pa rin akong nagsusuri sa kalagayan ko.

Nakakatulog lang ako kapag wala na akong makain na hilaw na karne, iyong tipong may namumuo pang dugo. Binabawalan ako nila mom at dad na kumain niyon, baka lalong makasama sa kalusugan ko kahit natatakam ako.

Nanghihina tuloy ako kapag bagong luto ang mga pinapakain nila o kaya gulay at prutas, paano kase ay sinusuka ko ng sinusuka ang lahat no'n. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

May pagkakataon rin na sa t'wing maalat ang kinakain ko ay parang nasusunog ang dila ko o ang loob ng bibig ko. Pinatingin nila ako no'n kay doc Cafaro, sinabi niya na allergy lang daw ako sa mga maaalat na pagkain lalo na sa asin. Kaya an pinapakain sa akin ay mga walang lasa, hindi ko rin naman nakakain ng maayos. Nagiging dahilan 'yun ng panghihina ko at nakakatulog bigla.

May pinainom sa akin noon si doktor, lalagyanan siya na kulay puting plastik cup na may takip tapos nilagyan niya ng straw. Ang tamis ng lasa ng gamot na pinainom niya, hindi ko alam kung anong tawag doon at wala rin siyang binigay na reseta para sa gamot na 'yun, kaagad naghilom ang sugat ko wala pang isang araw.

Hindi ko alam paano nangyari 'yun, basta niya na lang pinaubos sa akin ang isang basong gamot na 'yun, nasilip ko ang kulay ng laman no'n, kulay pula. Hindi naman siguro dugo 'yun kase ang tamis ng lasa, nakakatakam.

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now