Chapter 33

195 18 6
                                    

Warning!

This chapter contains VIOLENCE. Please read at your own risk. You may skip this chapter if you're not used to this kind of scenes. You've been warned.

___________________________________

Nagugulat ako sa aking sarili. Hindi ko alam kung paano ko nagawa ito ng ganoon kabilis.

Sumulyap ako muli sa lalaki na pinilit nitong makatayo pero laking gulat ko ng biglang humakbang ang sarili kong isang paa at walang kasing lakas na tinadyakan at tinuluyan ang bali nitong paa dahilan para mapalakas ang pagsigaw nito

Kita ko ang pagsilip ng buto nito sa tuhod at pagsirit ng pahagya ng dugo sa parte ng paa n'yang iyon sa lakas ng pagkakasipa ko. Gulat na gulat ako sa aking ginawa, ni hindi ako makakilos dahil para akong naiistatwa dahil sa pagkakaalam ko hindi ko inutusan ang aking sarili para gawin iyon.

Pakiramdam ko ngayon ay may kung anong inerhiya ang nakapalibot sa buo kong katawan. Pamilyar ang pakiramdam na ito, iyong tipong maninigas ako sa pwesto bago na lang basta basta kikilos magisa ang parte ng katawan ko kahit hindi ko ginagawa iyon.

Kaagad nabaling ang tingin ko sa ikalawang lalaking basta na lang sumugod sa gawi ko pero laking gulat ko na naman ng ganon ako kabilis na tumihayang upang mabilis na iwasan ang pagsugot nito at akma ang papaluin.

Kasabay nun ang bigla kong nakitang ala-ala sa mismong isip ko, kung saan ang ala-alang mga panahon na tinuturuan pa ako ni Papa sa mga basic movements pagdating sa mabilisang paggalaw at pagsipa.

Sipa!

Rinig ko na ngayong boses ni Papa habang nakikita ko ang ala-alang iyon sa isip ko.

May kung ano na namang kumukontrol sa akin kaya hindi ko na naman inaasahan ang ginawa kong pagsipa patalikod na paikot matapos ako harapin muli ng lalaking nailagad ko.

Nasapol sa mukha n'ya ang paa ko dahilan ng ikinahilo n'ya paatras.

'Paanong....'

Nilingon ko muli si Blake, nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin at pinapanood ako na ngayon ay hinintuan na s'yang bugbugin dahil nabaling sa akin ang lahat ng atensyon ng mga kalaban.

'A-anong nangyayari! Natatakot ako! Paano ko nagagawa ito?!'

Halos wala akong naririnig ngayon kundi ang tanging mabilis na tibok ng puso ko. Kulang na lang himatayin na ako sa mga nangyayari.

Trust me.

Muli ko na naman narinig ang boses ni Sir Cafaro sa isip ko. Wala sa sarili akong napatango tango at napapikit na para bang nasa harap ko lang ang kausap ko sa isip.

Kasabay non ang bigla kong nakita muli ang ala-alang kasama ko si Papa sa pagsasanay namin at sinasanay n'ya ako.

Atras!

Tinig ni Papa.

Mabilis kong naimulat ang aking mga mata at basta na lang humakbang paatras ang kanan kong paa kasabay ng kaliwa kong paa sa pagbalanse bago ko nakitang lumampas patilapon ang isang bagay na binato sa akin.

Saglit kong tinignan ang bagay na ibabato sa akin bago ko unti unting nilingon ang bumato. Lalong sumama ang aking paningin dito, silang lahat ay napaatras.

Nanginginig ang mga kamay kong nakakuyom. Pinapalakas ko ang loob ko dahil buo ang isip kong may kumokontrol sa akin para tulungan ako.

Hindi ko alam kung paano nangyayari ang mga bagay na ito pero ang alam ko lang ay nagpapasalamat ako sa kung sino man ang tumutulong sa akin ngayon.

Sangue Dolce ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon