Chapter 35

188 19 3
                                    

Dahil sa mabilis kumalat ang balita tungkol sa pangyayari na iyon ay inanunsyong wala kami munang pasok ngayon ay hihigpitan lalo ang pagbabantay sa school.

Sa ngayon ay nagfocus muna ako sa mga trabaho ko at ang mga dapat kong gawin bago ko maiisipang dalawin muna si Mama at si Blake na rin.

"Hatid na kita" nalingon ko si Sir Dewei na hindi ko namalayang nasa gilid ko na pala at nakasuksok ang parehong mga kamay sa bulsa.

Napahakbang pa ako paatras sa lapit n'ya sa akin at napahinto sa pagsabit ko ng apron. Nasa coffee shop kase ako at gaya ng gusto niya ay hindi ako nakapag-resign.

"Ahm... Naku Sir, ayos lang po Sir... kaya ko naman po mag-isa.." hindi ko alam kung paano pa mas magiging magalang sa kan'ya dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasang matakot sa presensya n'ya.

Para kaseng binabagabag ako lalo ng konsensya ko sa babaeng biniktima nila Emanon.

Nalingon ko s'ya ulit nang wala akong narinig na tugon mula sa kan'ya at nakitang nakatitig pala s'ya sa akin. Walang emosyon ang makikita at halos walang kurap n'ya ako kung titigan.

Sa paraan palagi ng tingin n'ya ay nakikita ko na kahawig n'ya ng kaunti si Sir Cafaro. Kulang na lang ay pagkamalan ko silang magkamag-anak o magkadugo.

Speaking of Sir Cafaro, lalakasan ko na talaga ang loob kong magtanong sa kaniya tungkol sa mga wirdo at hindi kapani-paniwalang mga pangyayari, para kaseng sasabog ang utak ko kakaisip.

Hindi ko madugtong dugtong dahil pakiramdam ko, meron ako mga nakakalimutan na ginawa ko pero hindi ko na maalala ngunit napapaginipan ko ito na parang totoo. Ang nakakagulat pa doon ay palaging nandoon si Sir Cafaro sa pinag-aakala kong panaginip lang.

Sa hindi pagtugon ni Sir Dewei ay parang hindi niya tinatanggap ang pagtanggi ko na iyon. Ang weird n'ya, palagi naman yata, dapat na siguro akong masanay.

"A-ah.. hehe... sige Sir, alis na po ako.. Tapos na rin po kase akong magligpit"

Mabilis pero putol putol na nauutal kong pagpapaalam agad bago hindi nagkanda uga-ugang napakaripas ng takbo upang matakasan siya. Palagi na lang akong tumatakas ng takbo, bakit ba kase ako nakakalapit palagi sa mga gwapong mga nilalang, ang uncomfortable tuloy sa pakiramdam.

Hinihingal akong napahinto sa may parking lot dito malapit sa coffee shop matapos tumakas kanina habang mabagal na naglalakad at napayakap sa sarili, humangin kase bigla at napakalamig.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang kaagad akong napahinto matapos makita si Sir Dewei na nakakros ang mga braso at nakasandal sa isang malaking motor, diretso ang tingin niya sa akin.

Kaagad akong napaiwas ng tingin at binilisan ang paglalakad upang lampasan siya ngunit nagugulat akong napahawak sa nuo ko at napaatras na napaangat ng tingin sa kaniya dahil ganoon na naman kabilis ang kilos niya na nasa harap ko na lang siya bigla upang harangan ako.

Ang sakit ng ulo ko sa pagkakaumpog sa matigas na dibdib niya, para bang kapareho ang tigas kay Mr. Amato, parang sa bakal ako naumpog.

Ito na naman ang kaba ko dahil sa ganitong asal niya, hindi na naman normal ang mga kinikilos niya. Napalibot ang paningin ko upang makasiguradong walang ibang nakakita sa pagteleport niya bigla

"I will only say this once." napapabuntong hininga niyang sabi "I... will.. take.. you.. home.. " pa-isa isa nitong pagbigkas at kada bigkas niya ng salita ay siya ring paglapit ng kaniyang mukha sa akin dahilan upang maiatras ko ang ulo ko papalayo.

Nahagip ko ang aking hininga nang hapitin niya bigla ang bewang ko papalapit sa kaniya, naisalag ko ang aking mga braso upang hindi kami ganoon magkadikit.

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now