Chapter 64

197 21 4
                                    

Sa mga oras na ito, tuluyan na akong nawala sa sarili. Una si Mama, ngayon si Blake naman.

Kaagad akong pilit kumakawala kay Lovier nang ibaba niya na ako sa madamong lupa. Hindi ko alam kung nasaan kami pero madilim at mahangin dito.

Sumisigaw ako sa pagluha, nawawala sa katinuan kong pinaghahampas si Lovier para makawala pero niyakap niya lang ako at hindi nagsalita.

Paulit-ulit sumasagi sa isip ko kung anong itsura ni Blake kanina, kung paano marahas dinukot ang puso niya. Pero sa huli, lumaban pa rin siya upang mailigtas kami.

"HAAAA!! P-PAKAWALAN MO A-AKO.. SI BLAKE... ILIGTAS M-MO SI BLAKE!"

Hindi ako maawat sa paghuhumiyaw at paghagulgol sa bisig niya habang nakasandal ako sa kung saan, nasa harapan ko siyang yakap ako. Ramdam ko ang pagpipigil niya na lumabas ang pagkahalimaw sa loob niya.

Marahan niyang tinatapik ang uluhan ako, pilit akong pinapatahan kahit karampot na lang ang lakas niya. Kaya pala nung huli niyang pagpapaalam sa akin bago ako pumunta sa outing kasama ang Banda, ay mukhang may kakaiba sa kilos niya. Nanghihina na pala si Lovier nun at hindi makontrol ang sarili niya ngayon.

Sinasabunutan ko na ang sarili at ginugulo ng marahas ang buhok saka ko pinagsasampal ang sarili.

'Malas ka! Malas ka, Eda! Pinanganak kang tanga at malas! Wala ka ng matinong nagawa! Nadadamay sila ng dahil sa'yo! Leche!'

Puno ang pagsisisi ko sa sarili, kaagad inawat ni Lovier ang kamay kong ginagamit upang saktan ang sarili ko "Eda... please stop.." mahihimigan kay Lovier ang pagsubok niyang magsalita pa.

Ayaw kong pati siya ay tuluyang mawalan ng lakas kaya ganon na lang ang pagpipigil ko ng emosyo at huminto na sa pagpalag, humihikbi na lang at mahigpit siyang ginantihan ng yakap.

"Sorry... I'm sorry, Lovier..." naghihingalo ako sa sobrang pagluha habang nagsasalita "Kasalanan ko ang lahat ng 'to—————"

"No, that's not true... This is all destined... It's not your fault" pagpapagaan niya pa ng loob ko at ramdam ko ang labi niyang dumikit sa sentido ko habang patuloy siya sa pagpapatahan sa akin.

Natigilan ako sa narinig sa sinabi niya, para kaseng doble ang kahulugan.

'Nakatadhana?.. Naniniwala siya sa tadhana?... O baka naman... May alam na siya na mangyayari talaga ang lahat ng ito? Bukod sa nakakabasa siya ng isip... nakakakita rin ba siya sa future?... Kaya ba... hindi niya sinagip si Blake dahil... nakatadha siyang mamatay?'

Sa pagkapraning ko ay nago-over think na ako. Hindi ko na alam kung ano-anong hula ang naiisip ko.

Napakalas siya ng yakap sa akin mukhang nabasa ang iniisip ko kanina. Nagkatitigan kami. Wala siyang sinabi, wala rin akong makuhang sagot sa kaniyang mga mata, nalulunod lang ako sa ganda ng kulay nito.

Sabay kaming nabigla at napalingon sa kung saan nang makarinig kami ng marahas na tunog. Muli akong nakaramdam ng panlalamig nang makita ang presensya ni Mr. Amato, duguan ang kamay niyang dinidilaan ngayon habang ang mata ay nakatingin sa akin.

Pinangingilibutan akong makita ang mga dugo sa kamay niya, napuno rin kase ng dugo ang kamay ko mula kay Blake. Hinapit pa ako lalo ni Lovier papalapit sa kaniya habang nakatingin kay Mr. Amato. Kung kanina ay pinapalayo niya ako, ngayon ay dinidiin niya ako papalapit sa kaniya upang hindi ako maagaw.

Humigpit rin ang pagkakakapit ko kay Lovier nang may sunod-sunod na panibagong dumating, nasitalunan kung saan at nasa likuran na sila ni Mr. Amato, ng ilan ay nakakalat. Mga kalabang bampira.

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now