Chapter 22

204 23 13
                                    

Nagising ako sa ingay ng alarm ng phone ko. Inabot ko iyon habang nakapikit at nasisilaw pa sa liwanag dito. Di ko alam kung nasan banda ang leche flan na phone na iyon at di ko mahanap hanggang sa..

"Ah! My gas! Juice colored, Aray naman!" tuluyang nagising ang diwa ko sa pagkakahulog sa higaan at ang sakit ng pagkakahulog ko. Tatanga tanga kase.

Nanliliit pa ang mga mata kong napaupong bangon habang nakakunot ang nuo sa pagkakahulog kanina. Hinahanap ko naman ngayon ang salamin ko.

'Leche flan naman, Asan ko ba kase nalagay ang phone at salamin ko! My gas ang labo ng nakikita ko.. '

Hinanap ko ng hinanap ang salamin ko hanggang sa makapa ko iyon sa isang mesa dito, maayos pa ang pagkakalagay doon. Sinuot ko iyon at doon ko pa lang nakita ang phone ko na katabi lang ng kung saan nakalagay ang salamin ko.

'Teka paanong?... Di ba nilalagay ko parate yung phone ko sa ilalim ng unan? Kaya pala di ko mahanap kase nakalagay dito sa mesa?.. Ako ba naglagay dito?'

Binalewala ko na lang muna iyon at doon pa lang nagulat ng makita kong.

"Leche flan! LATE NA AKO!"

Napuno ako ng inis sa sarili dahil ilang beses na akong nali-late ng gising.

Dali dali akong pumasok sa banyo at naghubad para maligo agad, di pinansin ang lamig ng tubig ngayon ang mahalaga makaligo lang ako.

Pati sa shampoo at pagsabon ko ay nagmamadali na rin. Di ko na napapansin na nagkanda hulog hulog na ang ilang gamit dito sa kakamadali.

Ilang minuto pa ay natapos na akong maligo at akma ko ng aabuti ang tuwalya ng biglang..

BAAGG!!

Napasigaw ako sa sakit ng katawan ko sa pagkakabagsak sa sahig dahil sa may natapakan akong madulas dito. Ramdam ko ang pagkirot ng paa ko sa may ankle ko kaya napahawak ako doon habang pinilit ang sariling makatayo.

'Leche flan! Ang malas ko yata sa araw na 'to!'

Nang akma pa lang akong madudulas kanina ay may biglang nag flash na ala-ala sa isip ko.

Nakita kong halos hubad na ang sa hinaharap ko na si Mr. Amato ang gumagawa nun, hanggang sa dumating si Sir Cafaro, tumalon kami ng building at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaligo, kumakain, isa pa si Sir Cafaro pa mismo ang nagpatuyo daw ng buhok ko bago niya ako hinayaang matulog sa mismong kwarto niya.

Yun ang ala-alang sumagi bigla sa isip ko na ipinagtaka ko dahil wala naman akong maalalang nangyari ang bagay na iyon. Ang tanging alam ko lang ay nasa kwarto ko, ako natulog at hindi sa kwarto ni Sir Cafaro.

'Ano na naman bang panaginip yun?'

Napatingin ako sa bagay na kinadahilan ng pagdulas ko kahit may kalabuan ay alam kong sabon pala na ginamit ko kanina. Di ko namalayang nahulog pala yun sa kakamadali.

'Ang tanga mo na nga, lampa ka pa! Hayss Eda bakit ganito kaba pinanganak! Mabuti na lang at di nabagok ang ulo ko'

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang itsura ng ankle ko sa paa, mukhang nabugbog ito. Halata kase sa pamumula nito kahit di klaro ang nakikita ko.

"A-aray.. Leche flan! Ang sakit... Juice colored paano ako makakatayo"

Pinilit ko pang abutin ang tuwalya na nakasabit pero nabigo ako sa taas ng pagkakalagay dito lalo pa't di ko kayang tumayo.

Isa pang sumagi sa isip ko na may sugat daw ako sa kamay, pero pagtingin ko sa kamay ko ngayon ay wala namang ni isang hiwa ng sugat, tanging pamumula lang dahil sa pagkakadulas ko.

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now