Chapter 30

223 21 3
                                    

Nagbago ang pakikitungo namin sa isa't isa ni Blake, panay ang iwas namin sa tuwing klase at kaagad naman s'yang umaalis na hindi na bumubuntot sa akin. Ni hindi namin matignan ang isa't isa sa mga mata matapos ang nangyari sa CR.

Hindi na rin ako sumasabay sa pagkain ng mga kabanda n'ya lalo na't nasa table nila s'ya. Ang mga kabanda n'ya na ngayon ang nagyayaya sa aking sabay kaming kakain pero panay ang pagtanggi at pagpapalusot ko.

Naglakas loob na akong pumasok ngayon dito sa coffee shop, hindi para magtrabaho, kundi para magresign na. Natatakot man lalo na't gabi ngayon, na makita muli si Sir Dewei ay ito lang ang maayos na paraan para tuluyan ng makalayo sa lugar na ito.

Pagpasok pa lang ay rinig ko na ang mga bulungan dito na nagchichismisan ang ilang babaeng nagtatrabaho tungkol sa isang babaeng waitress sa coffee shop na ito na basta na lang daw nagresign ng walang pasabi.

Kung hindi ako nagkakamali, iyong babaeng pinatay ni Emanon ang tinutukoy nila at mukhang inaakla nila ngayong nag quit sa trabaho.

Tuloy ay binabagabag ako ng konsensya ko sa hustisya sa babaeng iyon, hindi ko alam ang dahilan kung bakit kailangang gawin nila iyon ni Sir Dewei at hindi ako tinulad sa babaeng biniktima nila.

"Ah... Maya.. asan nga pala si.. S-Sir Dewei?" tanong ko kay Maya matapos mapadaan sa harap ko.

Nakataas ang kilay n'yang hinarap ako.

"Bakit lalandiin mo? Baka masuka lang sa'yo si Sir n'yan" sarkastiko pa n'yang ani, hindi sinagot ang tanong ko.

'Ay leche? Ang layo ng sagot? Nagtatanong lang naman 'yong tao?'

"Maya, please" nagpapasensya kong ani.

'Sagutin mo na habang mabait pa ako sa lagay na 'to'

Sarkastiko pa s'yang ngumisi.

"Umalis, hindi ko alam san nagpunta si Sir. Hanapin mo mag-isa mo" pabalang n'yang ani bago bastusan na tinalikuran at naglakad na paalis. Napasunod ako ng tingin sa kan'ya na ginawa ang sarili n'yang trabaho.

'Attitude ka girl?'

Napangiwi na lang ako, kahit paano ay nakatulong ang pagiging masungit n'ya para mabawasan ang kaba ko.

Naglakad lakad na ako kung saan mahanap lang si Sir. Ilang minuto na ang nakakalilipas ay wala ni anino n'ya ang nakita ko.

Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon habang naglilibot ako ng paningin dito na hindi ko alam kung saan na ako banda napunta nitong coffee shop ay basta na lang may malamig na mga kamay ang humila sa akin kasabay ng pagtakip ng bibig ko ng kaagad akong pumalag.

Bago pa man ako makalayo ay tuluyan na akong nahila nito.

Namalayan ko na lang na nasa isang madilim ako na kwarto, naka pasandal sa mismong pintuan na nasa likod ko habang may nakahawak sa dalawang palapulsuhan ko na nakataas ang mga kamay ko na iyon sa uluhan ko at tinatakpan pa rin ang bibig ko gamit ang isang kamay n'ya.

Napuno ako ng takot at kaba sa mga oras na ito, hindi ko agad namukhaan kung sino itong matangkad na lalaki ang may hawak sa akin ngayon hanggang sa basta na lang bumukas ang ilaw rito.

Nasilaw pa ako sa una na napakurap ng ilang beses bago ko namukhaan kung sino ito. Ang lalaking kanina ko pa hinahanap ay malapit ang mukha n'ya sa'kin ngayon.

Mabilis ang hininga ko sa kaba mula kanina hanggang ngayon na namukhaan ko na s'ya.

"Hi" aniya sabay ngiti sa akin.

May napansin pa ako sa magkabilang gilid ng mga ngipin n'ya. May... mga pangil ito, ang tutulis. Naglalaro pa ang dila n'ya sa mga ngipin at labi n'yang nakangiti sa akin. Parang manyak, na gwapo-----este... basta.

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now