Chapter 37

206 17 3
                                    

Kagigising ko lang pero hindi pa ako bumabangon at nananatiling nakahiga. Lutang lang naman.

Nakapatong ang isang likurang kamay ko sa aking nuo habang tulala sa kisame. Ganoon na lang kalalim ang iniisip.

Sa sobrang kalutangan ay ngayon ko lang namalayang pababa na pala ako ng hagdan. Nakatulala lang sa paglalakad. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit hindi kapani-paniwala ang mga pangyayari. Nakaka-trauma lalo na't hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sindikatong sumugod sa amin ni Blake at sa naganap sa kwarto kasama sila Sir Dewei at Sir Cafaro, ang pagsugod nila Mr. Amato.

Hindi ko alam kung panaginip na naman ba iyon. Kahit lutang ako kanina, napansin ko namang maayos ang mga gamit sa kwarto ko. Wala akong napansin ni anong crack ng pader para may mangyaring away kagabi.

Isa pa, ang naiisip ko sa lahat ay kung bakit may suot pa akong bra kung matutulog na lang ako, naiisip ko rin na parang hindi man lang ako nakapagpalit ng damit mula sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko.

'Panaginip lang nga siguro ang lahat'

Gayon pa man, pinagdugtong dugtong ko pa rin ang lahat kahit inaakala ko itong panaginip. Naalala ko bigla noon na kung saan sa panaginip ko ay niligtas ako ni Sir Cafaro na bigla na lang sumulpot sa limang lalaking may masamang balak sa akin.

Sa panaginip ko ay may galos ako pero paggising ko naman ay wala ni isang galos akong naramdaman o nakita. Walang marka.

Nabalik ako sa wisyo nang may. naamoy akong masarap na pagkaing niluluto. Hindi ko alam kung saan banda pero alam kong malapit lang dito sa bahay kung sino man ang nagluluto.

Imposibleng mula ito sa mga kapitbahay ko kase malayo ang agwat ng bahay namin.

Hinahanap at sumisinghot singhot pa ako sa hangin, sinusundan kung saan iyon nanggagaling. Para talaga kaseng malapit lang dito sa bahay ang amoy at nakakatakam amuyin ang niluluto.

Nahinto ako sa paglalakad dito sa sala at unti-unti akong nakaramdam ng kaba nang makakita ako ng isang sapatos na nagmumula sa kusina at mukhang... doon din nagmumula ang mabangong amoy ng pagkain na niluluto.

'My gas! Sino 'to? Akyat bahay! Ang taray ng akyat bahay, bukod sa magnanakaw na, makikiluto at makikikain pa yata! Kapal ng feslak!'

Hindi ko inalis ang tingin doon sa tao sa kusina na nakatalikod sa gawi ko. Palihim akong naghanap ng bagay na pwedeng pangdipensa nang hindi gumagawa ng ingay.

Hanggang wala akong mahanap na pwedeng gamitin dahil mahahalaga ang mga gamit dito, pinangangalagaan pa ito ni mama noon lalo na ang flower vase dito kaya itong tsinelas ko na lang na suot ang kinuha ko.

Dahan dahan at sinubukan kong walang ingay akong lumapit. Nagdadalawang isip pa kung itutuloy ko ba ito dahil sa matatakutin ako o tatawag ng pulis o back up para tugusing ang echoserang akyat bahay na 'to. Nag-ala Chef Boy Logro ang leche flan.

Sa huli ay napagdesisyunan kong atakihim patalikod ang kumag.

Palapit ako ng papalapit pero kinakabahan ako lalo ng kinakabahan bago ko unti unting itinaas ang mga kamay na may hawak na tsinelas at aakmang hahampasin siya nun nang biglang...

"Aahhhhhh!!!/ What the--Ahhhhhhhhhh!!"

Para kami choir na biglang nagduet ng palakasan ng sigaw sa gulat.

Parehong natitigilan patuloy sa pagsigaw habang tinitignan ang isa't isa mula ulo hanggang paa bago sabay pa kaming nagturuan dalawa habang sumisigaw pa rin, tsinelas ang pinanturo ko sa kaniya habang sandok naman ang pinangturo niya, mukha kaming nasa long voice contest. Mukha rin kaming mga tanga.

Sangue Dolce ✔️Kde žijí příběhy. Začni objevovat