Chapter 45

199 25 7
                                    

Panay ang pagbaba ko ng tingin habang sinusubukang magfocus sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nakatingin sa akin sina Sir Dewei at Sir Cafaro sa gawi ko pero kung susulyap ako ay seryoso naman silang may pinag-uusapan na parang ganoon iyon ka importante pero hindi nila balingan ng atensyon ang kahit sino.

Hindi malabong alam na ni Sir Cafaro na nagtatrabaho ako dito nang maalalang matagal niya na pala akong sinusundan. Kaya posibleng alam niyang working-student ako.

Kulang lang siguro ako sa tulog kaya ako ganito ang napapansin at nararamdaman ko.

Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho at tulad ng dati ay pinapairal na naman ni Maya ang kasungitan nito sa akin, magpapatalo ba ang lola niyo, sa tuwing tatalikod na siya ay ngingiwian ko ito o kaya naman ay sarkastiko ko siyang sasagutin dahil nakakapikon na, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya para sungit-sungitan niya ako na para bang siya ang amo. Feeler ang leche.

Ilang sandali pa ay halos lahat ng tao dito kasama ako ay nakuha ang atensyon namin nang bumukas ang pinto sa entrance. Umawang ang labi ko sa gulat at pagkamangha kung sino ang pumasok. Ang ganda niya.

Si Nurse Jeralene. Agaw pansin siya bukod sa sexy na maganda pa. Isa pa, ang ganda kung manamit kahit casual lang ito. Katulad ni Sir Cafaro ay halos lahat itim ang suot. Leather ang pang-itaas niya na maganda ang disenyo, hindi ko alam kung anong tawag sa damit na iyon pero may pa ribbon siya sa harap at malaki ang kwelyo.

Ang pang ibaba niya naman ay kulay itim rin na fitted black pants and high heels. Sabayan pa ng bitbit niyang mamahaling bag, yayamanin siya tignan.

Nakanganga lang akong pinapanood si Nurse Jeralene na may walang emosyong mukha, parang nagslow motion ang buong paligid sa bawat hakbang niya. Pino kumilos at may sinabi sa buhay siya kung tignan. Hindi ko akalaing isang Nurse ito ang ganito kayaman tignan.

"Hoy!" napaigtad ako at nasara na ang bibig sa kung sino man ang sumigaw sa may tenga ko.

Nalingon ko agad si Maya na taas kilay na inabutan ng order bago wala ng pasabing tinalikuran ako.

Habang gumagawa ng kape ay hindi ko maiwasang mapasulyap kay Nurse Jeralene na naglakad papunta sa table nila Sir Cafaro at Sir Dewei.

Natigilan ako saglit na nagpalitan ng tingin sa tatlo. Kung si Sir Cafaro ay bampira, si Sir Dewei ay ganon rin.. Ibig bang sabihin... Nalingon ko si Nurse Jeralene.

Napatakip ako ng bibig at hindi tinuloy ang naiisip dahil baka isa sa kanila ang makarinig ng iniisip ko. Sa pagtingin ko kay Nurse Jeralene ay kasabay niyon ang pagtama ng paningin naming dalawa. Hanggang sa maisip kong nasabi sa akin ni Sir Cafaro noon na pinsan niya si Nurse Jeralene at mas matanda ito sa kaniya.

"Ay Leche! Timang ka!" naibulas ko dahil sa lalim ng pag-iisip ay napuno ng umuusok pa na kape ang pagsasalin ko sa tasa habang hawak ko ito dahilan para mapaso ako at nabitawan ang tasa!

Nakabasag ako! Ang tanga!

Sa pagkakabasag nito ay parang gumuho ang mundo ko matapos makita at umalingangaw ang tunog niyon mula sa pagkakabasag ng tasa.

Nataranta ako na dali-daling iniligpit ang mga gamit saka mabilis na pinulot isa-isa ang mga bubog sa tasang nabasag. Hindi inalintana ang hapdi ng pagkakapaso ko kanina. Paniguradong ang lahat ng mga mata ay nasa akin ngayon pero nahaharangan ako dito sa mahabang table.

'Leche Flan na! Juice colored! Lagot ako! Paano na 'to! Ayan lutang pa! Malala ka na Eda!'

Kabado akong wala sa sariling patuloy na pinupulot ang tasa hanggang sa mahinto ako nang may kaagad humawak sa isang kamay ko para pigilan ako. Natigilan ako lalo nang mamukhaan kung kaninong kamay ang humawak sa akin ngayon.

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now