Chapter 66

218 20 2
                                    

Natatanaw ko ang mukha ni Mama.

Napakaliwanag ng paligid kaya tanging maamong mukha lang ni Mama ang aking nakikita. Tignan lang ang mga mata niya ay ngumingiti na ang puso ko at ang gaan ng pakiramdam ko.

"Eda" mala-anghel ang boses niya nang tawagin ang pangalan ko.

"Ma... Nakikila mo na po ako?" garalgal ang boses ko na may gulat sa tinig.

Parehong nage-echo ang boses namin, umaalingawngaw sa paligid, hindi ko alam kung nasaan kami basta ang alam ko ay masaya ako na marinig ang boses niyang nakikilala ako.

"Eda... Anak"

Nanlalabo ang paningin ko at nadagdagan ang liwanag sa buong paligid nang ngayon ko lamang narinig ang boses niya habang tinatawag akong 'Anak'

Hindi ko na naririnig ang sarili, parang nakamute ako bigla at lumalabo ng lumalabo ang paningin ko. Puro sigawan ng iba't-ibang boses ang naririnig ko sa buong paligid kaya napatakip ako ng tainga. Nakakabingi.

Kung kanina ay mapayapa, ngayon ay nakakarindi ang paligid. Hanggang sa nailibot ko ang paningin nang biglang tumahimik bigla, sobrang tahimik na parang tuluyan akong nabingi. Maski ang paghinga ko ay hindi ko naririnig.

Para akong napapraning na paikot-ikot. Pilit hinahanap si Mama na kanina lang ay kausap ko pero ngayon ay napunta ako sa isang kwarto.

Walang kalaman-laman ang kwartong ito. Walang bintana, walang pintuan. Walang matatakasan. Napakatahimik. Parang biglang napakalungkot ng paligid.

Maya't-maya pa ay nakarinig na lang ako bigla ng hagulgol. Iyon pala ay naririnig ko ang sarili kong pag-iyak sa hindi malaman kung anong dahilan ng pagluha ko. Para akong nawawala sa mga oras na ito, naliligaw ng landas at hindi alam ang paroroonan.

"Putot"

Naistatwa ako sa kinatatayuan at nahinto sa paghahanap ng kay Mama pati na rin ng daan palabas sa pamilyar na boses na iyon. Nanindig bigla ang aking balahibo, nakikita ko ang sariling mga kamay na biglang nag-iiba ang hugis.

Dali-dali kong nilingon ang kung sinong nagsalita.

"B-Blake?!"

Nagulat ako sa aking nakita. Wala siyang saplot pang-itaas. Duguan ang hita, tagiliran at butas ang kaniyang dibdib malapit sa puso. May kalayuan siya sa akin.

Nakatingin lang siya sa akin at walang emosyong mababasa sa mukha niya. Nakakapanindig balahibo siyang tignan, parang gusto ko na lang takpan ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

"Eda—————"

Akma siyang hahakbang papalapit sa akin nang kaagad akong napaatras papalayo sa takot sa itsura niyang maputla.

"Tanggapin mo na"

Naguguluhan ako sa pinagsasabi niya. Hindi ako makapagsalita para magtanong kung anong ibig niyang sabihin.

"I'm dead. Hindi ako matatahimik hangga't hindi mo tinatanggap ang lahat"

"I need to let you go.. Please be happy with the man you love"

Matapos niyang sabihin iyon ay sumilay ang marahan niyang pagngiti sa akin. Nawala ang takot ko sa itsura niya.

"I love you so much.. goodbye. Eda"

"Eda"

"Eda"

"Eda"

Huling habilin niya, umaalingawngaw ang boses niya sa bawat sulok ng kwartong ito. Isang beses niya lang binanggit ang pangalan ko pero marami ang naririnig ko.

Sangue Dolce ✔️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt