Chapter 15

256 48 6
                                    

Wala sa sarili akong napatayo sa kinauupuan ko habang nanlalaki ang mga mata sa gulat na napatingin sa padabog na nag ukas ng pinto

'S-Sir Cafaro?!'

Nagtama ang aming paningin pero mukhang di naman sya nagulat sa presensya ko dito at parang wala lang bago inalis ang tingin sa akin

Napatingin naman ako sa babaeng kasunod niya na mas lalo kong ikinabigla

'Nurse J-Jeralene?!'

Nagtama rin ang aming paningin pero tulad ni Sir ay wala man lang itong karea-reaksyon, para bang alam na nila na nandito ako

'Bakit sila nandito? Anong ginagawa nila dito?.... Bisita rin ba sila?' sunod sunod na tanong ko sa isip

Dahil sa pagkakayakap ni Nurse Jeralene sa braso ni Sir ay napaiwas ako ng tingin pero tumama ang paningin ko sa mga suot nila. Nakaitim silang suot na parehong pormal. Bumagay kay Nurse Jeralene ang suot niya, bakas na may maganda itong hubog ng katawan, pagdating naman kay Sir ay lalong nadagdagan ang kalakasan ng appeal niya, idagdag mo pa ang buhok niyang naka brush up.

'Sabi ko na lamay talaga tong pinuntahan ko'

Para bang napaka-awkward para sakin ang makitang ako lang ang naiiba ang kulay ng damit na suot. Ganoon na lang ako nahihiya sa suot ko, di dahil sa nabili lang to sa ukay ukay at pinaglumaan ni Mama, kundi dahil ako lang talaga ang naiiba.

Mayamaya pa, matapos ng saglit na katahimikan ay rinig ko ang yapak ng kung sino, si Mr. Amato pala na wala na sa gilid ko kundi nasa gitna na sya at diretsong tinignan si....

Napasunod rin ako ng tingin sa kung saan sya nakatingin, kay Sir Cafaro na wala man lang nagbago sa walang emosyon niyang mukha. Bumalik ang tingin ko kay Mr. Amato at naitikom ko ang bibig ko ng bigla na lang umangat ang gilid ng labi niya habang nagpapalitan ng matalas na tingin kay Sir Cafaro

'Magkakilala ba sila?... Magka-ano ano sila?'

"Sei in ritardo" (You're late) ani Mr. Amato na nakatingin parin kay Sir Cafaro

Yun na naman ang lengwaheng sila lang ang nagkakaintindihan. Di nagsalita si Sir Cafaro, sa halip ay bumuntong hininga lang sya.

Napakatahimik ng paligid, aakalain mong walang ka tao-tao dito habang ako tulalang pinapanood sila at nakalimutang nagtatrabaho pala ako dito

Di ko kase napansin na ang ilan sa kanila, kabilang na doon sina Nurse Jeralene, Mr. Amato at Sir Cafaro na magkaharapan sa magkabilang dulo ng mesa habang katabi naman ni Sir Cafaro ang Nurse ay nakaupo na sa mahabang mesa na napapaligiran ng may katamtamang laki na bilugang mesa kung saan nakaupo ang ibang mga bisita

Lahat sila ay sabay sabay na napatingin sa akin na ikinakaba ko

'May ginawa ba akong masama?'

Napalunok ako ng kita ko ang matunog na pagngisi ni Mr. Amato na parang natatawa ng bahagya, sumenyas sya sa Butler na matandang lalaki bago yun naglakad papalapit sa akin

"Wari'y ikaw ay nakalimot na ika'y musikera sa selebrasyong ito?" sa sinabi ng matanda ay natauhan ako at napatingin sa sariling kinatatayuan

'Leche Flan! Ako na lang pala ang nakatayo! My gas!'

"S-sorry po, tutugtog na po ako, hehe" napakamot sa ulo kong ani bago mabilis na natatarantang na-upo at ipinwesto ang mga kamay sa keys ng piano

'Anong sunod kong tutugtugin?.... Di naman pupwedeng paulit ulit ako.... Eda. Isip. Isip. Dali!'

Humugot ako ng malalim na hininga bago nilibot ang paningin para saglit silang pagmasdan pero hindi rin nagtagal ng makitang nakatingin parin sila sakin at parang hinahantay pa nila ako, nahinto ang paningin ko kay Sir Cafaro at medyo nakakaramdam ng luwag sa dibdib ng di na sila magkadikit nung Nurse. Di ko alam kung bakit ako ganito na-aapektuhan

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now