Chapter 4

425 73 16
                                    

Araw na naman ng klase at naririto ako ngayon sa aklatan nagbabasa ng libro, wala pang gaanong tao dahil sinadya ko talagang maagang pumasok kahit ilang minuto lang ang tulog ko. Nagbabakasakali kase akong makita at makausap si Mr. Cafaro ang cold na adviser namin kahit medyo natatakot ako sa kanya

Nakukuryos kase talaga ako tungkol sa panaginip ko sa mall, imposible talagang mag sleep walking ako kahit pagod pa ako, ngayon lang nangyari sakin yun

Kaya sa aklatan ako kase naghahanap ako ng information about sa all types of dreams lalo na nung nangyari sakin kahapon na pagkagising ko na lang ang linaw na ng nakikita ko at may rebulto akong nakita sa kwarto ko, nakakatakot talaga yun, di ko nga alam kung nakatulog ba ako o hindi kagabi

Habang nagbabasa ay sumasagi sa isip ko yung babaeng may galit sakin kahapon, yung humila sa upuan ko at binantaan akong lumayo sa Adviser namin

'May gusto ba sya kay Sir?.... Pwede ba yun?.... Sa bagay mukhang ilang taon lang naman ang tanda ni Sir samin.... Mukha kase syang bata pa.... Pero ang tanong may gf na ba sya?.... Sa gwapo niyang yun paniguradong meron na——— teka nga. Bakit ko ba iniisip kung may gf sya o wala? Eh ano bang pakialam ko sa buhay niya?.... Haayss pinahiya niya nga ako kahapon at first time ko yun sa klase'

Halos makalahati ko na ang ikatlong librong nabasa ko ng makaramdam ako ng antok sa sobrang pagod kaya tumingin tingin muna ako sa paligid bago tumayo at kinuha ang mga libro sa mesa saka naghanap ng panibagong mauupan yung wala masyadong katao tao para hindi ako pagalitan, bawal kase matulog dito

Maingat akong nakahanap ng pwesto na wala masyadong ingay para wala masyadong makaistorbo sa iilan lang mga estudyante dito, pati paghila ko sa upuan at pagupo doon ay maingat din saka ako dumukdok sa lamesa at napagdesisyunan umiglip muna kahit saglit lang tutal ay mahaba haba pa ang oras bago magumpisa ang first subject ko

Naalipungatan ako ng may umalog alog sakin sa may balikat ko, marahan kong iniangat ang ulo ko na pumikit pikit pa bago inayos ang salamin ko

Mabilis akong napatayo at napaayos sa sarili ng makitang ang Librarian ang naggising sakin na kunot nuong nakahalukipkip habang napakaseryoso akong tinignan

"Do you know the do's and don't when it comes to this place?" aniya na pinapaalala ang pwede at bawal na rule dito sa Library

"Yes Ma'am" aniko

"Then why are you sleeping here? Do you know that it's not allowed to sleep here in the Library?" pagtataray pa nito na lumalabas ang pagkastrikta niya

"Sorry Ma'am" paghingi ko ng tawad saka napayuko, nakakatakot kase yung pagkamaldita niya, bukod kase takot ako sa mumu o ano pang mga elemento ay takot din ako sa mga nakakataas o mas nakakatanda sakin

"First warning Miss?..." pagtatanong nya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya

Nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko ba ang totoo kong pangalan o magsisinungaling ako baka kase ipa Dean's office ako eh, Teacher din kase ang Librarian dito kaya ganito sya magtaray ngayon

'Leche... Flan na'

Napalunok ako sa kaba "Ahm..." nangangapa ako ng sasabihin na pangalan ko na lang nga di ko pa masabi sabi

"Tell me your real name kung ayaw mong ireklamo kita agad sa Dean" pagbabanta nito kaya lalo akong kinabahan, napatingin ako sa paligid kung wala bang nanonood samin dito and thank God kaming dalawa lang ni Ma'am

Huminga ako ng malalim "Eda po Ma'am"

"Your real whole name, Miss Eda" pagtataray pa nya lalo na tinaasan akong ng kilay

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now